"Mabuti." Nakakaakit na ngumiti si Huo Mian, at ipinakita niya ang pinaka-fresh na ngiti sa umaga.
"Gusto mo ba kumain ng agahan sa kwarto o sa restaurant?" Tanong ni Qin Chu habang hawak ang kamay niya.
"Pumunta tayo sa restaurant, tatayo na ako at mag-aayos." Handa na si Huo Mian na tumayo kaagad pagkatapos niya magsalita.
Nang biglang nagbago ang ekspreyon niya…
"Ano?" Kabadong tanong ni Qin Chu nung napansin niya na nagiging kakaiba si Huo Mian.
"Sa tingin ko… andito na ito..."
"Ang ano?" Naguguluhan si Qin Chu.
"Ang kabuwanang dalaw ko." Mukhang sobrang lungkot ni Huo Mian.
Napansin ito ni Qin Chu nung itinaas niya ang kombrekama at nakita niya ang maraming dugo.
"Uhm..." Walang masabi si Huo Mian at hindi alam ang sasabihin.
Pero, maswerte si Qin Chu dahil dumating ang kabuwanan ni Huo Mian ngayong umaga dahil kung hindi, paano sila makakapaglokohan katulad nung kagabi?