"Sige." Kahit na malalim na ang gabi at nag-aalala siya para kay Huo Mian, bihira lang siya alukin ng tatay niya na mag-usap. Gusto niya rin sunggaban ang oportunidad na ito para malinaw ang mga bagay-bagay sa magulang niya, para hindi na sila masyadong makialam.
Pagkatapos, umalis ang mag-ama sa manor at pumunta sa pavillion sa tabi ng fishpond; Gusto ng tatay ni Qin Chu ang disenyo nito; ang mga bato at kahoy ay direktang kinuha mula sa Wu Mountain at sobrang mahal nito. Kahit ang coffee table sa pavillion ay gawa sa pear tree wood mula sa Hainan.
Umupo si Qin Chu sa harap ng kanyang ama. Inilabas niya ang kanyang phone at nagpadala kay Huo Mian ng WeChat message.
"Babalik ako maya't maya, mauna ka ng matulog."
"Sige," mabilis na sagot ni Huo Mian.
"Chu, kamusta na ang kumpanya nitong mga nakaraang araw?" Isinuko na ni Qin Yumin ang lahat ng kapangyarihan niya bilang executive kaya wala na siyang alam sa mga nangyayari.