Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 260 - Ang Tinatawag na “Mahalin mo ako, Mahalin mo ang aso ko” (2)

Chapter 260 - Ang Tinatawag na “Mahalin mo ako, Mahalin mo ang aso ko” (2)

"Huwag kang magalit, ate. Hindi ko rin alam ang nangyari at hindi ko rin alam na ang GK ang nagsponsor nito. Napansin ko lang ito ngayong nakuha ko na ang kotse. Hindi ko ito sinadya kaya pakiusap, huwag mong sasabihin kay mama." Alam ni Jing Zhixin na ang GK ang nagpapa-init ng ulo ng kanyang nanay at kapatid.

Kitang-kita na malungkot siya,

"Nakita mo na ba… siya?" Tanong ni Huo Mian.

"Sino? Si Kuya Qin Chu?"

"Oo."

"Hindi, ang assistant ni Qin Chu ang tumulong sakin para sa mga kailangan sa rehistro ngayon. Sa totoo lang ate, ang disenyo ko ay hindi ganun kaganda pero nanalo pa rin ako. Sabi nga ng lahat ay sobrang swerte ko. Hindi ako pinanganak na henyo katulad mo at kahit anong gawin ko ay pangkaraniwan lang ang mga grado ko, kaya iniisip ko na ang pagkapanalo ng gantimpalang ito ay may kinalaman sayo. Iniisip ko na… may gusto pa rin sayo si Kuya Qin Chu at gusto niya gamitin ang oportunidad na ito para mapalapit sayo."

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS