CHAPTER 28: Pagtaya sa Buhay ng Isang Tao
"Hello everyone, ako ang lead surgeon sa operasyon na ito. Pagkatapos nito, magkakaroon tayo ng surgical meeting kasama kayong lahat. Kailangan makinig kayo mabuti at maintindihan ang mga responsibilidad ng bawat isa. Ayoko may makitang mali habang sinasagawa ang surgery. Sa ibang salita, ang procedure na ito ay isang sugal, at buhay natin ang nakataya. Magtatagumpay tayo dahil walang magkakamali. Naintindihan niyo ba?"
"Naintindihan po," puno ng respeto ang pagtrato sa kanya ng iba. Habang si Huo Mian ay nakatayo lang at walang masabi.
Hindi man lang tumingin si Qin Chu kay Huo Mian pagkapasok nito. Sa halip, kinuha nito ang makapal na paperwork at sinimulang basahin ang medical history ng pasyente.
"Mahalaga ang bawat oras, kaya di ko na pahahabain pa. Nakakaranas ngayon ang pasyente ng secondary cerebral hemorrhaging, cause ito ng pagdudugo ng brain tissue na nakapalibot sa ventricular system hanggang sa cerebrum. Walang hemorrhage sa putamen papasok ng lateral ventricle na nasa gitna ng harapan ng caudate nucleus at capsula interna, ang internal bleeding naman ay nasa thalamus papasok sa third ventricle, at galing sa pons papasok ng fourth ventricle. Dahil dito, gagamit tayo ng iba't ibang treatment techniques. Habang sinasagawa ang operation, para mawala ang intracranial pressure ng pasyente, gagawa muna ako nang isang lateral ventricular puncture sa may harapan para sa paglalabasan ang cerebral-spinal fluid. Pagkatapos, gagawa ako ng burr holes sa cranium kung saan makikita ang hematoma at gamit ang synthetic enzymes, tutunawin natin ang hematoma at palalabasin ang fluid. Habang sinasagawa ang procedure, madaming pwede mangyari. Isa sa mga halimbawa nito ay ang mabilis na pagtaas ng blood pressure ng pasyente o kaya naman isang severe intracaranial hemorrhaging ang mangyayari dahil sa pagputok ng ugat. Kaya naman, dapat handa tayo sa lahat ng pwedeng mangyari para masigurado magiging successful ito," pagkatapos ni Qin Chu magsalita, tiningnan niya ang buong room.
"Naiintindihan niyo ba?" cold na tanong niya.
"Yes," maikling sagot ng grupo.
"Tara na," pinangunahan ni Qin Chu ang pagpasok sa operating room.
"Huo Mian, makinig ka. Narinig mo ba ang mga sinabi ni Doctor Qin?"
"Narinig ko," dahil sa warning ni Song, sinusubukan ni Huo Mian pakalmahin ang sarili.
Lahat ay nasa loob na ng operating room, tiningnan ni Qin Chu ang anesthesiologist.
"Magsimula na tayo. Apply general anesthesia."
"Okay."
"Huo Mian, magpasok ka ng isang urethral catheter sa pasyente, ako naman ang magpapasok ng IV at maglalagay ng oxygen mask," mahinang sabi ni Song.
Tumango si Huo Mian. Kinuha niya ang catheter at kararating niya lang sa may gilid ng operating table nang may biglang pumigil sa kanya.
"Huo Mian," biglang tawag ni Qin Chu sa pangalan niya.
"Nandito," mabilis niyang sagot.
"Ikaw ang magpasok ng IV at maglagay ng oxygen mask ng pasyente,"utos niya.
"Ako?" Sasabihin sana ni Huo Mian na ginagawa na ito ni Song.
Ngunit, narinig niyang inutusan ni Qin Chu si Song, "Ikaw ang magpasok ng catheter ng pasyente."
"Yes, Doctor Qin," dahil walang lakas ng loob ito suwayin ang utos, mabilis na nakipagpalit si Song ng gagawin kay Huo Mian at pumunta sa lower half body ng pasyente.
Habang nakatingin si Huo Mian sa nakahigang matandang nasa kanyang sixty-something sa operating table, bigla siyang napa-isip.
Sinadya ni Qin Chu na pagpalitan ang kanilang gawain, hindi ba? Para pigilan siya sa paglalagay ng urethral catheter dito?
God, masyadong sobra naman ata ito? Kailangan ba niya talagang gawin yun?
Hindi na masyadong nag-isip si Huo Mian tungkol dito. Patuloy niya lang sinusunod ang mga utos ni Qin Chu, kahit ang daming tanong sa kanyang isip.
Pagkabalik ni Qin Chu sa bansa, ang sabi-sabi lang ay siya na ang President ng GK.
Pero habang nasa abroad siya, paano siya nakakuha ng postdoctoral degree sa Harvard Medical School? Kaysa maging doktor pagkatapos ng graduation, naging president siya ng isang business empire. Masyadong nakakapagtaka. Dahil ba ito sa mga nangyari dati…?
"Huo Mian, tingnan mo maigi ang blood pressure at heart rate ng pasyente. Bubuksan ko na ang cranium niya ngayon, i-update mo ko tungkol sa status niya."
"Okay."
Mataas ang tensyon sa buong pagsagawa ng surgery. Dahil alam nilang lahat kung gaano kahalaga itong procedure na ito, kaya nakatutok silang lahat maigi.
Eight hours ang tinagal ng surgery. Pagkatapos, sobrang nanghihina si Huo Mian dahil sa pagod.
Wala siyang matandaan na kahit ano, ang tanging naaalala niya lang ay ang mga technical terms na ginamit ni Qin Chu at ang mga utos nito, "Curved forceps, periosteal detacher, hemostat, three-prong rake retractor, dura forceps, nerve stripper, nerve retractor…"
Pakiramdam niya sasabog na ang utak niya.
Inilagay siya sa OB/GYN Department simula noong nagtrabaho siya dito six months ago. Madalas ang surgeries na napapanood niya ay C-sections.
Kung ikukumpara sa neurosurgery, parang sobrang naging simple ng C-section at naging katulad nalang ng paglabas ng manok ng mga itlog.
Ganito pala ang itsura ng isang high-level surgery…
Sa wakas, natapos na rin ang surgery. Pagkapatay ng surgical light, nagnakaw ng tingin si Huo Mian kay Qin Chu at nakitang pawisan ito sa bandang noo nito.
"Nagtagumpay ang operasyon. Well done, Doctor Qin," sobrang natuwa sa resulta ang dalawang assistant surgeons.
Hindi sumagot si Qin Chu at tumango lang. Tinanggal nito ang kanyang mga gloves at lumabas ng operating room.
Mabilis na inilipat ni Song at ng iba pang nurses ang pasyente sa ICU para mabantayan, at sa wakas, makakapagpahinga na rin ang iba pang surgeons.
Habang papaalis si Qin Chu, sumunod si Huo Mian sa likod niya…
Sobrang binagalan niya ang paglalakad. Sinusubukan niyang iwasan si Qin Chu at 'di magkaroon ng direct contact dito.
Kaso biglang nagring ang cellphone ni Qin Chu at tumigil ito para sagutin ang tawag. Pagkakita ng opportunity, mabilis na naglakad si Huo Mian, tumigil siya sa may harap ng water dispenser. Kumuha siya ng paper cup at pinuno niya ito ng tubig.
Pagkatapos uminom nang madaming basong tubig, pinuno niya ng mainit na tubig ang baso dahil balak niya itong dalhin. Paalis na siya nang biglang nakita niya si Qin Chu, naglalakad ito papunta sa kanya.
Nakatayo ang dalawa, face to face. Nakatingin si Qin Chu sa kanya, hindi ganoon kahalata ang pagbabago sa expression nito.