Chapter 1932: Nawala ang Kambal (3)
"Nakita ko," bakas ang pagkasabik sa boses ni Professor Lu.
"Wow, kumusta po? Ikwento niyo sa'kin!!" Halatang mas excited din si Lu Yan kaysa sa kanyang ama.
"Kamukhang kamukha ng kapatid mo ang mama mo. Ang ganda ng mga mata niya at talagang umaangat sa iba ang mukha niya. 'Yung kambal din! 'Di ako makapaniwala nang makita ko sila, pakiramdam ko nananaginip ako."
"Kahawig ba nila ang nasa litrato?" Puno ng saya ang puso ni Lu Yan.
"Mas magiliw pa sila kaysa sa nasa litrato, lalo na ang kambal. Ang ganda ng mga ngiti nila at parang crescent moon ang kanilang mga mata. Mas bilugan din ang mukha ni Little Bean kaysa kay Pudding."
"Nakakainggit naman!" Nang marinig pa lang ni Lu Yan noon na makikita ng tatay niya ang kapatid niya at ang kambal habang naka-disguise, sobra na siyang naexcite.