Chapter 1931: Nawala ang Kambal (2)
Napag-isipan ni Qin Ning ang sinabi ng kanyang kapatid at napailing ito. "Sa tingin ko hindi ganun. Walang bulsa ang matandang lalaki. Mahigpit din ang security check sa Disney, tingin ko wala siyang dalang armas. After all, may kasama tayong mga security guards kahit maliwanag pa. I think we will be fine."
'Di sumagot si Qin Chu, ayaw pa rin sana niyang payagan ang mga anak niya na umalis.
Pumunta si Pudding sa harap ni Qin Chu at niyakap ito. "Daddy, tingin ko po hindi naman masamang tao 'yung matandang lolo."
"Pudding, 'di talaga nila ilalagay sa mukha nila na bad guys sila. Maraming taong iba ang kalooban sa ikinikilos nila," Matiyagang pagpapaliwanag ni Qin Chu sa anak niya.