Chapter 1893: Gusto ko lang Maghiganti (4)
"So… Naaawa ka rin ba sakin?" tanong ni Huo Yanyan.
"Tawagin mong awa o sympathy, either way, hindi maganda ang sitwasyon mo ngayon, at may anak ka na kailangan mong alagaan… Hindi ko alam kung ano mangyayari pag nagtrabaho ka sa GK, pero magiging mas mabuti ang sitwasyon mo kaysa sa ngayon. Gusto ko lang tumulong. Kung ayaw mo umasa sa iba, isipin mo na lang wala akong sinabi."
"I know… pero… nevermind. Pag-iisipan ko, thank you…" Tiningnan ni Huo Yanyan ang relo niya. "Kailangan ko na umalis."
"Mhm." Tumango si Huo Mian.
"Salamat, Huo Mian."
"Sinabi mo na yun." Ngumiti si Huo Mian.
"Pag-iisipan ko yung advice mo."
"Mhm, kung kailangan mo ng pera sabihin mo lang. Syempre, utang lang. Kailangan mo bayaran pagkatapos…" Alam ni Huo Mian na mataas ang self-esteem ni Huo Yanyan, at hindi niya ito kinausap nang parang pulubi.
"Alam ko."