Chapter 1887: What Goes Around Comes Around (8)
"Pudding…" Hindi inakala ni Su Yu na magiging ganito ka-awkward siya sa tanong ng bata.
"Ganun ba kahirap sagutin tanong ko?" tanong ni Pudding.
"Hindi ganoon kahirap, tingin ko lang hindi mo maiintindihan kahit sinagot ko."
"Subukan mo."
"Okay, Pudding. Ganito kasi – gusto ko talaga ang mommy mo, pero hindi ako gusto ng mommy mo. Gusto ko nang sumuko, pero hindi kayang basta-basta i-off ng mga tao ang mga emosyon nila. Gusto mo malaman kung kaya kong kalimutan ang mommy mo? Gusto ko sabihin na gusto ko… pero hindi ibig sabihin noon na kaya ko."
Pagkatapos sabihin ito ni Su Yu, naramdaman niya na may malaking bigat na naalis sa mga balikat niya.
"Handsome Su, mabuti kang tao, pero unang nakita ni Mommy si daddy… kaya hindi ka niya mapapasaya. Sana mabilis akong lumaki, para mapakasalan kita."
"Um… pero three ka pa lang!" sabi ni Su Yu, malapit na dumura ng dugo.