Chapter 1883: What Goes Around Comes Around (4)
"Ano ba tingin niyo kay Qin Chu? Ang hirap na niyang talunin kahit dati! Sinabi ko na sa inyo na 'wag kayong gumalaw hindi dahil takot ako sa kanya, pero dahil hindi pa tama ang oras! Tingin niyo ba talaga gusto ko mabuhay siya? Pero ito kasi – kailangan planado ang pagpatay kay Qin Chu, palagi siyang alerto ngayon, at gumaling pa ang combat skills niya! Sobrang tanga ni Ah-Li, hindi niya matatapatan si Qin Chu. Tingin niya ba talaga kaya niyang patayin si Qin Chu gamit ang kutsilyo?! Palaging may dala si Qin Chu na world-class military weapons, kayang kaya ka niya patayin gamit ang baril niya! Kung gusto talaga niyang patayin si Li, wala siya dito ngayon!"
"Hindi niya pinatay si Brother Li dahil hindi niya gustong malaman ng iba, 'di ba?"