Chapter 1836: Ang Eskandalo Ng Huo Corporation (7)
"Hey, Mr. Qin… ang liwanag at maaraw sa labas… sigurado ka bang ngayon mo gustong akitin ang asawa mo?" Ngumiti si Huo Mian habang umaatras.
"Maganda ang umaga. Nakalabas ang araw at may enerhiya ka… ito ang perpektong kondisyon."
Tinulak ni Qin Chu si Huo Mian sa malaki at malambot nilang kama...
Isang oras ang nakalipas...
Tiningnan ni Huo Mian ang kanyang relo at napasigaw. "Oh my god… 7:30 na… kasalanan mo ito, malelate ako sa trabaho."
Tumayo siya at nagmadaling mag-ayos ng sarili.
Sa ibaba, tatawagin na sana ni Uncle Li si Huo Mian para mag-agahan nang bigla itong tumakbo pababa ng hagdan.
"Hindi na ako kakain. Late na ako sa trabaho."
Pagkatapos ay dumiretso siya palabas ng pinto.
Dahan-dahan bumaba si Qin Chu. Nakasuot siya ng black long-sleeve shirt na may white cuffs at collar. Gwapong gwapo ang itsura niya.