Chapter 1828: Ang Dominanteng Magkapatid (9)
Kilalang kilala niya si Qin Chu. Sa nakaraan, palaging mas gusto ni Qin Chu lumaban nang mag-isa kaya halos imposible na magtulungan sina Qin Chu at Su yu.
"Sigurado ka ba? Nagbago na ang panahon… alam mo ba kung ano narinig ko?"
Sinadya ni Mo Xue'er tumigil.
"Ano narinig mo?"
"Narinig ko na magka-close ang dalawang anak ni Huo Mian at si Su Yu… Kung kaya ayusin ng mga bata ang relationship nila Su Yu at Qin Chu, at kung magtulungan sila, mahihirapan kang labanan sila."
"Tingin mo takot ako sa dalawang bata? Xue'er, nagdroga ka ba? Kalokohan yang sinasabi mo…"
Maikli na lang ang pasensya ni Huo Siqian pagdating kay Mo Xue'er, lalo na kung ikukumpara sa una nilang pagkikita.
Mas gusto ni Huo Siqian ang inosenteng babae na may mahiyang ngiti kaysa sa madiskarte at manipulative na b*tch na 'to.
Parang diyosa si Mo Xue'er sa mga fans niya pero para kay Huo Siqian, isa lang siyang puta.