Chapter 1827: Ang Dominanteng Magkapatid (8)
Hindi maalala ni Huo Mian ang huling romantic date night nila ni Qin Chu, at halos nakalimutan na niya kung gaano kasaya siya tuwing nangyayari ito.
Dahil sa mapagmahal na halik, naalala niya ang mga araw na dalaga pa lang siya.
28 years old na si Huo Mian at three years old na ang kambal niyang anak. Kaya, matagal na niyang hindi itinuturing ang sarili niya na bata.
Pero, si Qin Chu pa rin ang tanging dahilan kung bakit tumitibok nang ganoon kabilis ang puso niya. Siya ay nagiging parang dalagang patay na patay sa isang lalaki.
Sigurado siyang walang iba bukod kay Qin Chu na magbibigay sa kanya ng ganoon na pakiramdam.
Dapat normal lang ang halikan nina Qin Chu at Huo Mian sa publiko dahil maraming mga magkasintahan na nagpapakita ng PDA sa mga kalye.
Pero, parang kakaiba ang sitwasyon, parang matagal nang may sumusunod sa kanila.