Chapter 1771: Nagretiro Matapos Makakuha ng Pagkilala, Marangal Kahit Natalo (42)
"Kumain ka na muna. Wala naman tayong pag-uusapan masyado, gusto lang kitang makasabay kumain." Sabi ni Huo Siqian habang paupo ito sa harapan ni Huo Mian.
Puno ng pagkaing dagat ang lamesa, mayroong pang Boston Lobster sa gitna ng lahat ng ito.
Kinuha ni Huo Siqian ang sandok at nilagyan ang isang mangkok ng seafood soup. Dahan-dahan niya itong inilagay sa harap ni Huo Mian. "Higupin mo 'yan habang mainit, masarap 'yan."
Kasabay ng pagtatapos magsalita ni Huo Siqian, nagsimula na rin itong kumain. Mabagal at malumanay ang pagkain nito tulad ng dati, isang tunay na isang sopistikadong lalaki. Pero, alam ni Huo Mian na ang lalaking nasa harap niya ay nagpapanggap lang.