Chapter 1763: Nagretiro Matapos Manalong Merit, Maparangal Bagaman Natalo (34)
"Tumigil ka… Huwag mong sabihin yan… Hindi ka mamamatay… Isa kang matatag na parang ipis…"
Hindi na sumagot si Qiao Fei.
Hindi lahat ay magkakagusto kay Lu Yan, ngunit nagkagusto si Qiao Fei, ibigsabihin ay hindi niya gusto ng mababait na babae.
Hindi siya nagsasawang habulin siya matapos ang ilang taon…
Kung saan-saang bahagi ng mundo na rin siya nakarating, mula sa Alps hanggang sa Himalayas…
Gayunpaman, nang siya ay mabaril, ito ang unang pagkakataon na naramdaman niyang para na siyang kukunin ng Devil of Death…
Kumain sita ng maliit na kutsara ng lugaw at marahang sinabi, "Akala ko mamatay na talaga ako sa pagkakataong ito… bago ako mawalan ng malay, isang eksena ang pumasok sa aking isip… ito ay ang unang araw na tayo ay nagkita. Naaalala mo pa ba?"
"Noong una tayong nakita? Kailan nga iyon? Nalimutan ko…" Si Lu Yan ay mapagpabaya.