"Hindi Qin Chu, hindi ganun iyon. Ayaw ko lang na... mag-alala ka pa sa akin."
"Sabihin nalang natin na isa parin akong outsider sa paningin mo."
"Hindi ganun iyon…"
Sa huli, tahimik lang silang nakaupo sa sasakyan, wala ni isa sa kanila ang umiimik.
Hindi na nagsalita si Qin Chu dahil galit siya, at hindi na rin nagsalita si Huo Mian dahil hindi niya alam ang sasabihin niya.
Nakaramdam ng sakit ng ulo si Huo Mian. Napangiwi siya matapos niyang hawakan ito.
"Aray…" hindi napigilang magsalita ni Huo Mian dahil sa sakit.
Sa sandaling 'yon, biglang lumambot ang puso ni Qin Chu...
Pagkatapos niyang lumabas ng kotse, hinawakan niya ang kamay ni Huo Mian at umakyat pataas.
Pagkatapos, kinuha niya ang first-aid kit para linisan ang pasa ni Huo Mian.
Marahan niyang hinawi ang mahabang buhok ni Huo Mian sa gilid at nakita ang namamagang kulay ube sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo. Mukha nga itong pasa.