Chapter 1742: Nagretiro Matapos Manalong Merit, Maparangal Bagaman Natalo (13)
"Gabi na, dapat ka na sigurong umuwi at magpahinga… may trabaho ka pa bukas." Kumaway si Mrs Su sa kanyang anak upang magpaalam
"Opo, aalis na ako. Goodnight, Mom."
"Mhm," tumango at sumagot si Mrs. Su.
Nang paalis sa siya, nakasalubong ni Su Yu ang kanyang ama. "Dad, aalis na po ako. Goodnight."
"Mhm," ang mahigpit na sagot ni Mr. Su.
Nang naglakad siya papunta sa kwarto, nakita ni Mr. Su na nagpupunas ng luha ang kanyan asawa. Inalis niya ang libro sa mga kamay pati na rin ang salamin niya, papunta kay Mrs. Su at yakap ito sa kanyang balikat habang sinasabi, "Ano ang nangyari? Bakit ka umiiyak?"
"Honey… nalulungkot ako para kay Yu… ngayon ko lang siya nakitang sobrang nasasaktan…:
"Ito ay dahil sa babaeng si Mian, hindi ba?" Agad nalaman ni Mr. Su ang sinasabi ng kanyang asawa; Itinaas ni Mr. Su ang ulo nito at pinunasan pa ang mga luha.