Chapter 1726: Pinaka-cute Na Mga Sanggol (7)
"Nabanggit niyo po kasi noon na ang balita tungkol sa kapatid niyo ang pinakamahalaga… Kaya inuna ko po muna ang tungkol sa kambal bago 'to."
"Ang tanga mo naman…" Hindi na nagdalawang isip si Lu Yan at agad na pinadiretso sa pampang ang yate.
Nagawa niyang tawagan ang kanyang ama habang nasa isang eroplano siyang direktang papunta ng Russia.
"Dad, alam mo bang malubha ang kalagayan ni Qian Fei?"
"Alam ko. Tinawagan ako ng tatay niya. Sinabi niya na magiging mahirap ang operasyon dahil limang tama ng bala nag natamo nito. At lahat tumama sa kritikal na bahagi ng katawan kaya mahihirapan makuha ang mga bala sa katawan niya… Humiling siya sa akin kung pwede ko raw bang bisitahin."
"Ano pang hinihintay mo? Hind pwedeng mamatay ang baliw na si Qiao…" Base sa boses ni Lu Yan, msasabing natataranta ito.