Chapter 1716: Lalabas na ang Kambal (7)
"Maayos na ang kundisyon ng mga Mag-ina. Natakot lang sya ng sobra at kailangan magpahinga."
Nang marinig ang mga sinabi ng doktor, sina Gng. Su at Su Yu ay kumalma nadin.
"Pero, G. Su, ang kundisyon ni Binibini at komplikado. Pwede po ba nyo ako sundan sa akin opisina."
"Sige po." Tumango si Su Yu.
"Mama, duon ka nalang sa loob at tignan muna si Mian; babalik lang ako saglit."
"Sige." Tumango si Gng. Su at sinundan ang mga nars nang dalin si Mian sa isang silid.
Sinundan ni Su Yu ang doktor.
Ang babaeng dalubhasa sa pagpapanganak ay nagmukhang malupit.
"May problema po ba sya?" naramdaman ni Su Yu na hindi pa sinasabi ng doktor ang lahat at natatakot na baka may masamang naangyayari kay Mian.
"Walang masamang mangyayari kay Binibining Huo… ayos lang ang mga sanggol, kaya hindi mo na kailangan mag-alala. Kakausapin lang kita tungkol sa pangkaisipan na sakit ni Binibining Huo."