Chapter 1694: Makita Kang Maligaya (15)
"Mabuti naman. Nagkasakit ang nanay ko noong ilang araw na nakakalipas, at nagpupunta si Jie sa bahay ko araw-araw pagkatapos ng trabaho, ipinagluluto niya si Shuai Shuai at ang nanay ko ng hapunan. Gustong-gusto siya ni Shuai Shuai.
"Mabuti naman kung ganoon." Ngumiti si Huo Mian. Pagkatapos ay bumalik na siya sa pag-aayos ng bulaklak.
"Sis… ikaw ang nagsabi kay President Su na dalhin ako ditto, hindi ba? Anong gusto mong pag-usapan?"
Alam ni Ni yang ang dilekadong sitwasyon ngayon ni Huo Mian; hindi siya maaaring makipagkita kahit kanino dahil maaaring malagay siya sa panganib at ang mga taong pumoprotekta sa kanya.
"Oo, kasalukuyang ang headquarters sa America ang nangangasiwa sa GK, at ang Gk Film and Television ay halos waa na… matindi na ang naging epekto nito sayo."
"Hindi naman ako natatakot, magandang pagkakataon na ito para magretiro."