Chapter 1693: Makita Kang Maligaya (14)
"Syempre hindi ako aalis. Indibidwal pa rin naman kami, kaya hindi kami dapat umasa sa isa't isa para mabuhay. Ayoko lang maging housewife na walang ginagawa sa bahay at gumagastos ng pera, hindi ako ganoon. Gusto kong manatiling flight attendant, baka nga maging crew head pa ako sa loob ng ilang taon. Ayaw kong maging pabigat kay Gao Ran, kaya gagawin ko ang lahat para maging kapat dapat para sa kanya. Tulad na lang kung paano ka nagsikap para maging sobrang husay, para maging karapat dapat kay Qin Chu…"
Nang marinig ang pangalan ni Qin Chu, natahimik si Huo Mian.
"Mian, name-miss mo pa rin ba si Qin Chu?"
"Mhm."
"Naisip mo na ba kung ano ang gagawin mo kung patay na nga talaga siya? Hihintayin mo ba siya habang-buhay?"
Iniiwasan sana ni Zhu Lingling na itanong ito dahil ayaw niyang masaktan si Huo Mian, pero mukhang naihanda naman na nito ang sarili sa lahat ng posibleng mangyari.