Chapter 1686: Makita Kang Masaya (7)
"Mali ba ako? Wag mong sabihing wala kang kinalaman sa aksidente, parang masyado naman nagkataon… Paano pa ma-a-ambush si Huo Mian pagkaalis niya mismo sa club? Alam mo bang muntik na siyang mamatay? Nawala na si Qin Chu dahil sa akin, kung may mangyari pa kay Huo Mian dahil lumabas siya para kausapin ako, baka patayin ko na ang sarili ko… isa pa, buntis siya. Ni Lingxi, asan ang puso mo?"
Matapos ang mahabang katahimikan… tumingin si Xixi, tumutulo ang luha sa kanyang mga mata, tinanong niya si Rick, "Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong wala akong ginawa?"
"Bakit ako maniniwala ako sayo? Paano kung niloloko mo lang pala ako at muntik nang mamatay ang kaibigan ko dahil sayo?"
Marahil masyadong nag-aalala si Rick sa kaligtasan ni Huo Mian, kaya naman nasabi niya ang mga masasakit na salitang iyon kahit na hindi niya ito sinasadya…