Chapter 1681: Makita Kang Masaya (2)
"Ako ang nagpapunta kay Mian." Lumapit si Xixi kay Mian at hinawakan ang kamay nito.
Nalilito namang tiningnan ni Rick ang dalawa…
Bumulong si Xixi kay Huo Mian. "Pakiusap, kausapin mo siya…"
"Ako na ang bahala." Tumango si Huo Mian.
"Rick, babalik na ako sa eskwelahan, kita na lang tayo bukas! Sana maging maayos ang pag-uusap niyo."Pagkatapos ay tumalikod na si Xixi, binuksan ang pinto at umalis.
Mabuti na lang at sanay na si Rick sa ugali ni Xixi…
Pagkatapos ay tiningnan nito si Huo Mian. "Maupo ka…"
"Mhm."
Tumayo si Rick para ipaghanda ng tsaa si Huo Mian, pero bigla niyang naalala na buntis ito kaya sa halip ay isang baso ng mainit na gatas na lang ang ibinigay nito.
"Rick, nagpunta ako dito para kausapin ka."
"Tungkol saan?" Tanong ni Rick, gaya ng dati, tila wala pa rin itong emosyong pinapakita.
"Kay Qin Chu…"