Chapter 1664: Ngayon Ko Lang Siya Nakitang Mahinahon (5)
"Ano? Natakot ka ngayon?" Tumingin si Mo Xue'er kay Huo Siqian na parang nanalo.
Sinunggaban ng mahigpit ni Huo Siqian ang kanyang kamay...
Ano? Sasaktan mo ako?"
"Umamin ka… paano mo nalaman? Inimbistigahan mo ba siya? "Nasa mukha ni Huo Siqian ang matinding pag-aalala.
Hindi niya nagugustuhan kung paano pinagtutuunan ni Mo Xue'er si Huo Mian.
"Hindi ko…"
"Kung hindi paano mo nalaman?"
"I… I… Siyempre, mayroon akong masugid na tagahanga na nagtatrabaho sa Army Hospital na nakikita si Huo Mian araw araw kaya sinabi niya sa akin sa WeChat… pangako, wala akong pinagsabihan na kahit na sino," sabi ni Mo Xue'er na gustong magpalusot.
Pero mukhang hindi naniniwala si Huo Siqian sa kanyang istorya.
"Binabalaan kita… huwag kang lalapit sa kanya…"
"Kahit na matutulungan kitang kuhanin siya?"