Chapter 1644: Parang Isang Panaginip (5)
"Hindi ko kailangan ang pagbati mo, " mataray na sagit ni Huo Mian, na nakapagpangiti sa mukha ni Huo Sigian.
Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumakad patungo dito- at sa pagkakataong ito, talagang kinilabutan si huo mian. Madali siyang umatras at inabot ang dyaket ni Su Yu.
"Huwag kang lumapit sa kanya..." galit na pagbabanta ni Su Yu.
"Anong kinakatakot mo, Young master Su Yu? Talagang naalala ko lang ang aking kapatid, matagal ko ng hindi nakikita ang aking kapatid na si Mian."
"Hindi niya kailanagn ang pag papanggap mo, umalis ka na sa aking paningin." Kumunot ang noo ni Su Yu, parang naghahanda para kalabanin si Huo Sigian.
Napansin nito ang gait ni Su yu, kaya't tumigil siya ng paglapit kay Huo Mian. Pagkatapos ay ngumiti dito, "Alagaan mo ang iyong mga anak... huwag mong kalimutan na kumain ng marami."
Pagkataos, Bumalik na sa sasakyan niya si Huo Sigian, marahang nagmaneho paalis.