CHAPTER 16: Mabigat na Usapan
"Nasa gym class ako nung may natanggap akong tawag galing sa kapitbahay namin, si Mrs. Wu Sabi niya nahimatay daw si nanay sa tapat ng convenience store niya. Nagpaalam ako umalis sa teacher, tumawag ng ambulansya, at pumunta kaagad dito."
"Healthy naman si mama. Paano nangyari ito?" sobrang nag-aalala si Huo Mian.
Biglang nagbukas ang pinto at may doktor na pumasok. "Sino sa inyo ang kapamilya ni Yang Meirong? Lumabas muna saglit."
"Ako," mabilis na sinundan ni Huo Mian ang doktor palabas.
"Ikaw yung anak ng pasyente, tama ba?" hula ng doktor sa edad ni Huo Mian.
Tumango si Huo Mian.
"Alam mo ba na may high blood pressure ang pasyente?" tanong ng doktor.
"Alam ko po pero iniinom naman ng nanay ko yung mga medications niya at sinisigurado niya din na nakakapagpahinga siya. Pag may oras naman ako, lagi ko rin minomonitor ang blood pressure niya at stable naman ito."
"Sa tingin namin ay na-shock ang pasyente kaya tumaas ang blood pressure nito. Bilang anak niya, dapat mas maging maingat kayo. May sakit siya sa puso at high blood pressure. Pag patuloy pang nangyari ito, pwede niya ikamatay. Naiintindihan mo ba? "
"Na-shock siya?" nagulat si Huo Mian
Busy siya sa trabaho at umuuwi nang isang beses sa dalawang linggo. Yung nakakabatang kapatid naman niya ay mabait so ano kaya ang dahilan?
"Pag nagising ang pasyente, tanungin niyo siya. Recommended na magstay siya dito sa ospital ng mga ilang linggo para ma-regulate ang blood pressure niya. Ano sa tingin mo?"
"Wala pong problema," bilang nurse, gusto ni Huo Mian makasigurado. Alam niya kung gaano kaseryoso ang kundisyon ng nanay niya.
"Okay, pwede mo nang bayaran ang mga hospitalization fees ngayon."
"Okay," tumango si Huo Mian. Mabilis siyang bumaba at pumunta sa cashier sa first floor.
"7,908 yuan lahat."
"Ganun kalaki?" namroblema si Huo Mian. Sa mga nagdaang taon, kalahati ng pera niya ay para sa kapatid niya habang ang natitira ay napupunta sa down payment ng bahay na binili nila ni Ning Zhiyuan bale three thousand yuan nalang ang natitira sa kanyang bank account. Ngayon, mahigit seven thousand ang kanilang hinihingi. Wala siya ganoong kalaking pera.
"Magbabayad ka ba o hindi? Bilisan mo, may mga tao pa sa likod mo at nakaka-abala ka sa pila."
"Magbabayad ako," inilabas ni Huo Mian ang kanyang credit card. Nakuha niya ang card last year at naalala niya na ten thousand yuan ang spending limit nito.
Pagkabayad niya, bumalik siya sa hospital room. Gising na ang kanyang nanay.
"Ma, gising ka na pala," malumanay na sinabi ni Huo Mian.
"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka nga!" kitang-kita na masama ang loob ni Yang Meirong nung nakita niya si Huo Mian.
"Ma, ako ang tumawag kay ate," mabilis na tumayo si Jing Zhixin at pinakalma siya.
"Hindi mo na kailangan pumunta para makita ako. Wala akong sakit. Di ko kailangan manatili sa ospital. Zhixin, magfill out ka na ng discharge forms. Uuwi na tayo."
Pilit na umaalis si Yang Meirong sa kanyang kama.
"Ma, seryoso yang kundisyon mo. Kailangan muna nila pababain ang blood pressure mo at manatili dito ng isang linggo bago ka makauwi."
"Wag mo kami pakialaman. Sino nga ba yung may kasalanan kung bakit nagkaganito ang lahat?" sigaw ni Yang Meirong. "Hindi magkakaganito ang pamilya natin kung hindi dahil sayo, kasumpa-sumpa ka!"
"Ma, huwag mong sabihin yan. Hindi ito kasalanan ni ate."
"Manahimik ka," kita na nanggagalaiti si Yang Meirong. "Itong sinumpang babae na to ang pumatay sa tatay mo dahil sa kamalasan niya, ngayon naman nagbalik na rin yung lalaking yun. Pumunta siya sa bahay natin at nagyabang pa, tingin niya ba diyos siya dahil may pera siya. Compensation? Sinong magkakagusto ng madumi nilang pera? Mababalik ba ng pera ang isang buhay?"
Sobrang nalungkot si Huo Mian at naintindihan ang nangyari. "Ma, nagkita na ba kayo ni… Qin Chu?"