Chapter 1550: Si Huo Mian Na Lang ang Sumusubok (1)
Walang sinabi si Huo Mian. Habang hawak ang light blue na bote, may nilabas siyang malagkit na bagay gamit ang kaliwang kamay niya.
Nilagay niya ang malagkit na bag ay sa bote, tapos binato agad sa dagat.
"Ganun kasimple? Yun Lang?" Tumigil nang sandali si Su Yu, at noong palapit na dapat siya, may narinig siyang malakas na sabog mula sa baba…
Sa sobrang lakas ng sabog, muntik na bumigay ang binti niya…
Sa lakas ng sabog, tumalsik ang tubig pataas, at nagkaroon ng malaking water pillar. Sa madilim na gabi, parang itim na dragon ito.
"Holy f*ck… ano yun?" Ito ang unang beses na nagmura si Su Yu sa harap ni Huo Mian.
Nagulat talaga siya, sobrang nakakatakot.
Wala siyang oras para mag-isip pagkatapos ng sabog…
"S1 sticky mixed-type liquid explosive." Binulsa ni Huo Mian ang mga kamay niya sa coat niya at kalmado niyang tiningnan ang malaking water pillar.