Chapter 1493: Bukas Palagi ang Pintuan ng Huo Family Para Sayo (4)
Tumayo lang si Huo Mian doon at pinanood habang paalis ang Maybach ni Qin Chu.
Kahit ano pa sabihin nina Jiang Xiaowei at Zhu Linling, ayaw pa rin niya umalis at pinilit na tumayo sa labas ng courthouse nang parang tanga.
Hindi nagtagal, lumubog na ang araw, at umihip ang malamig na hangin ng Northern China.
Sa huli, walang nagawa si Jiang Xiaowei kundi tawagan si Su Yu.
"Su Yu…"
"What's up?"
"Pwede ka ba pumunta sa courthouse malapit sa Bibo Road?"
"Bakit?"
"Pumunta dito si Huo Mian para makipag-usap kay Qin Chu, pero ayaw niya. Isang oras na siya nandito. Masyadong malamig sa labas, natatakot ako baka magkasakit siya. Pwede ka ba pumunta para kausapin siya?"
Tatlong segundong katahimikan…
Sagot ni Su Yu, "Mauna na kayo, ako na bahala."
"Okay." Naisip na ni Jiang Xiaowei na alam ni Su Yu kung ano dapat gawin.