Chapter 1482: Huo Mian, Mag-divorce Tayo (13)
"Wala." Nag-buntong hininga si Qin Chu at nagdesisyon siya na huwag sabihin kay Mian ang nangyari. Kung sasabihin niya, siguradong hahanapin nito ang tatay at ate niya. Kapag nalaman na ang identity niya, magiging mapanganib ang buhay niya.
Ayaw ni Qin Chu ito para sa asawa niya. Ayaw niyang matakot siya matulog, ayaw niyang matakot siya na biglang mapatay, at ayaw niyang matakot siya na kikidnapin siya.
After all, namuhay siya bilang ordinaryong tao nang higit 20 years at hindi siya sanay sa buhay na matagal nang nakasanayan ng ate niya.
Higit pa, hindi siya kaya protektahan ni Qin Chu bawat minuto, araw-araw.
Nagdesisyon si Qin Chu pagkatapos niya pag-isipan nang matagal.
"Honey… mukhang pagod na pagod ka."
"Pagod nga ako." Kahit ang boses niya pagod.
"Sasabihin ko ba kay Uncle Li na ipaakyat yung pagkain sa kwarto?"
"Hindi, okay lang. Dito na lang tayo kumain."