Chapter 1430: Honey, Magpakasal Tayo? (1)
"Mian, ako lang 'to…" Inalog ni Qin Chui ang balikat ni Huo Mian, sinusubukan siya gisingin.
Bumalik ang malay ni Huo Mian nang marinig niya ang boses ni Qin Chu; nanigas siya nang ilang segundo habang nakatitig sa mukha niya.
"Qin Chu?" tanong niya, hindi sigurado.
"Mian… ano nangyari?" Sumimangot si Qin Chu, napansin na kakaiba ang reaksyon ni Huo Mian.
"Honey… Na-miss talaga kita…" Niyakap ni Huo Mian nang mahigpit ang leeg ni Qin Chu at umiyak na parang maliit na bata na na-bully.
Hinimas nang marahan ni Qin Chu ang likod niya. "'Wag ka na umiyak, sorry na ang late ko umuwi, nag-aalala ka siguro."
Natapos na siya sa mga kailangan niya asikasuhin sa T City at sinarado niya ang buong branch company. Hindi na nag-ooperate, pero nainis pa rin si Qin Chu dahil nawala ang isang importanteng piraso ng ebidensya sa case ni Jiang Linyue.