Chapter 1421: Gusto Kitang I-date Buong Buhay Ko (2)
"Hindi ko sinabi sayo kasi ayaw kong mag-alala ka… After all, pamangkin mo siya… Nalaman ko kung saan niya binenta yung alahas mo at inexpose ko siya. Natakot siya makulong, kaya binalik niya yung alahas mo. Tapos, pinaalis ko siya…"
"Kaya pala… nagmadali siyang umalis." Nalungkot si Yang Meirong nang maintindihan na niya ang lahat. "Bakit niya gagawin yun, ang bait ko naman sa kanya…"
"Mom… sa mundo natin, hindi porke't mabait ka, mabait din ang kapwa…"
"Tama ka, habang Chinese New Year, sinabi ko sa kanya na bigyan yung tito mo ng gamit at pera. 'Di ako makapaniwalang magsasabi pa siya ng masama tungkol sayo… Wala talagang siyang puso."
"Kalimutan mo na, Mom, wala akong pakialam. Pumunta ako sa interview ngayon at pinaliwanag ko lahat ng nangyari. Na-promote ko rin yung bagong products ng company, kaya wala siyang nagawang damage. Pero Mom, kung hinanap ka niya in the future…"