Chapter 1337: Young Master Su, interesado ka bang makipag-sosyo? (8)
Tiningnan ni Huo Siqian ang kanyang relo; mag aalas-11 na pala ng gabi.
Hindi siya makakatulog sa mansyon dahil naroon si Song Yishi.
Ayaw ni Huo Siqian sa kanyang sarili, pero mas ayaw niya kay Song Yishi. Para bang nasusuka siya sa tuwing tinitingnan niya ito.
Kaya naman, kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan si Wang Shasha. Natutulog na ito nang tumawag si Huo Siqian. Noong tinawagan siya, agad siyang nagbihis at tumakbo pababa nang hindi man lang naglagay ng kolorete, naghintay siya na sunduin ni Huo Siqian sa labas ng kanyang residential district.
Sa katunayan, ordinaryo lang ang itsura nito at hindi naman siya kagandahan. Kahit ngayon ay nagtataka siya kung anong klaseng swerte ang dumapo sa kanya para magustuhan siya ni President Huo.