Chapter 1328: Malaking Bagay sa New Year (9)
"Siguradong magugustuhan niya ang regalo mo."
"Wag ka ngang sipsip," Sabi ng dalaga.
"Hindi naman ah. Ang mahalaga, nag-iisa lang ang white jade calabash na 'yon sa buong mundo. Walang kapareho…" Sagot ng kanyang assistant, na sa sobrang seryoso itong sinabi, natawa nang malakas ang dalaga.
"Gusto ko na siyang makita… pero ayaw akong payagan ni Dad na hanapin siya kahit anong mangyari. Nakakainis."
"Ginawa lang naman 'yon ni Professor para sa kapakanan mo… mainit pa ang sitwasyon sa ngayon, paano kung…"
"Alam ko… Sa totoo lang, masayang makita siya na tahimik at masaya sa buhay niya… kung pwede lang siyang mamuhay nang ganoon habang-buhay… wala nang problema sa akin, kahit pa hindi niya alam ang tungkol sa akin… Mahirap ang buhay naming ni dad, lagi kaming palipat-lipat at miserable ang buhay namin, ayaw ko nang madamay pa siya doon…"