Chapter 1285: Huo Mian, Mahal Kita (16)
Hindi maipinta ang mukha ni Su Yu, ngunit kampante pa rin siya. "Magaling, matalino siya."
"Haha, napaka pangit ng sagot mo. Ganoon ba kahirap ang magbigay ng kumento patungkol kay Huo Mian?" Tumawa si Tang Chuan.
"ako din ay nakakaramdam na si Young Master Su ay mas mahiyain kaysa sa dating siya…" natututwang pinagmamasadan ni Wei Liao si Su Yu.
Habang si Jiang Xiaowei ay tumatawa lamang… nakaka tawa na mag kakasama muli ang tatlo. Ang kanilang mga salita ay matatalim at nakaka-aliw na makita na sila ay mapang uyam o kaya naman ay nagaasaran.
sabagay, sila ay magkababata (magkakaibigan na sila pagkasilang pa lamang nila).
Kayat sa ilalim ng mga pagakakataon, hindi kailan man isasapuso ni Su Yu ang mga biro nila Tang chuan at Wei Liao, o kaya magagalit sa mga ito… nasanay na siya sa mga pang aasar at pang hihiya ng mga ito sa tagal ng panahon.