Chapter 1236: Kinaiinggitan kita, nang sobra (7)
Binaling ni Huo Mian ang lahat ng kanyang atensyon sa telebisyon…
Qin Chu, sa kabilang panig, ay hindi interesado, kaya nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho na nakatingin ang kanyang mga mata at muka sa harap.
Si Song Yishi ay nakasuot ng putting pangginaw, kapares ng maikling itim na bistida at mataas na bota.
Madaling mga tagapagbalita ang nasa pag uulat, kumukuha nang mga litrato na parang mga baliw... Ito ay paningin sa katotohanan.
Si Song Yishi ay may pekeng ngiti sa kanyang mukha nang tumingin siya sa lahat nanandon.
"Sige, si Miss Song ay handa na sa mga katanungan ngayon. Tanungin niyo siya ng isa isa, at alalahanin na panatilihin ang kaganapan," sinabi ng katulong na si Song Yishi ang nagtanggap sa mga tagapagbalita na nadoon.
Pagtapos, ang lahat ay nakalusot sa kanya…
"Miss Song Yishi, totoo ba ang mga litrato?"
"Oo totoo sila." Tumango si Song Yishi.