Chapter 1213: Ang #1 Scandal sa C City (4)
"Talaga?"
"Oo, pero pinag-isipan mo na ba? Kung 'di mo siya pakakasalan, lalaki yung anak mo sa single parent family at walang ama. Hindi ba masama yun para sa bata? Pwedeng gawin mo, maghanap ka ng mabuting lalaki para pakasalan para kumpleto ang pamilya.
"Huo Mian, sa totoo lang, ang goal ko sa buhay ay pakasalan si Huo Siqian. Gusto ko maging asawa niya."
"Sinabi mo na ba sa kanya?"
"Haha, noong kami pa, sabi niya na pwede namin gawin kahit ano gusto namin at pwede ako gumastos kahit gaano kalaki gusto ko, pero hindi niya ako pakakasalan kahit kailan. Alam kong masyadong malaki hinihingi ko, pero hindi ko kayang baguhin ang nararamdaman niya. Napaibig ako sa kanya… hindi niya kasalanan."
"Mahirap din para sayo…" Naawa si Huo Mian si Mo Xue'er. Kinagat ni Mo Xue'er ang labi niya at tumahimik.
"Gaano katanda na yung baby?"