Chapter 105: Init
"Hindi na masama," tumango si Qin Chu
"Mabuti, ito kumain ka pa," ngumiti si Huo Mian sa narinig
Kumain sila ng almusal nang magkaharap. Hindi umiimik si Qin Chu pero maya't maya, tinitingnan niya si Huo Mian.
Si Huo Mian, sa kabilang banda, ay ganadong-ganado kumain. Puro nalang kasi Wstern na agahan ang kinakain niya nitong mga araw, at bihira nalang siya makakain ng lutong-bahay na Chinese na agahan. Kaya, para sa kanya, ang sarap ng pagkain.
Kahit gaano pa kagalit si Qin Chu sa kanya, parang langit pa rin ang pakiramdam niya kapag nakikita niyang nakaupo ito sa harap niya nang tahimik...
Pitong taon niyang pinapangarap ang araw na to.
"Kamusta ang iyong kapatid ? Narinig ko na nakalabas na siya ng ospital," biglang tanong ni Qin Chu.
"Oo, umaayos na ang kanyang kalagayan. Sinabi ko nga sa kanya na magpahinga muna sa bahay tutal hindi pa naman siya enrolled sa madaming kurso ngayong semester."