Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 575 - Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (6)

Chapter 575 - Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (6)

Pinagmasdan ng assistant si Qiao Anhao, pagkatapos nitong magbasa, Ang assistant ay lumagok ulit ng beer. "Miss Qiao, tapos ka na magbasa? Sa apatnapu't walong linya, lahat ito ay tungkol sa iyo."

Ang kamay ni Qiao Anhao ay sumara na parang kamao. Tumingin sa kanya ng diretso, nagtanong siya sa isang mababang boses, "Nasaan siya?"

Isang luha ang bumaba sa kanyang mukha, bumagsak sa tabing ng telepono.

Ang assistant ni Lu Jinnian ay kumilos na parang wala siyang sinabi. "Ipinangako ko sa kanya na huwag sabihin sa iyo lahat."

Isa pang luha ang agad na namuo, ngunit patuloy siyang tumitig sa kanya. "Nasaan si Lu Jinnian? Saan siya pumunta?"

Ang assistant ay patuloy na hindi siya pinansin. "Sa totoo lang, nakasama ko si Mr. Lu sa loob ng maraming taon at hindi ako kailanman sumuway sa kanya. Lagi kong sinusunod bawat utos niya, pero ngayon, hindi ko na matitiis ito. Kahit na alam kong sisisihin niya ako pagkatapos, gusto ko pa ring sabihin sa iyo ang ilang mga bagay."

Pinigilan ni Qiao Anhao ang kanyang pagluha, at sumigaw, "Tinatanong kita kung nasaan si Lu Jinnian? Si Lu Jinnian! Nasaan siya?"

Sinigaw ni Qiao Anhao ang mga salitang iyon bago tumigil. Dahil sa kanyang malakas na boses, nakuha nito ang atensiyon ng mga dumaraan, ngunit dahil nga nakaupo sila malayo sa iba, walang nakakarinig ng kanyang mga sinasabi.

"Hindi ko alam! Gusto kitang tanungin kung saan siya pumunta!" ang mapagtimping assistant ay umangil, ang kanyang mga mata ay namumula. Kinuha niya ang isang bote ng serbesa sa lamesa, at siya'y lumaklak pa at tumigil lamang hanggang sa mawala ito sa kalahati ng bote. Niyukyok ang sarili sa upuan, isinara niya ang kanyang mga mata sandali. Nang binuksan niya ulit ito, siya ay mas kalmado. Humingi muna siya ng tawad kay Qiao Anhao, pagkatapos nakatayong sinabi "Dadalhin muna kita sa isang lugar."

Tumango si Qiao Anhao. Tumayo siya at sinundan niya ito.

Ang assistant ay dinala siya sa pinakataas na palapag ng "Lijing Pavillion", sa pinakadulong silid, ini-swayp niya and kard upang mabuksan ang pintuan bago magbigay ng senyales kay Qiao Anhao na pumasok.

Siya ay pumasok kasama ang assistant ni Lu Jinnian na sinusundad siya sa likod. Tinuro ng assistant and balkonahe at nagbigay ng senyales na pumunta banda roon.

Ito ay oras na ng gabi at dahil walang bukas na mga ilaw, ang balkonahe ay madilim. Sinuri ni Qiao Anhao ang paligid, ngunit ang nakikita niya lamang ay ang mga bituin at mga ilaw mula sa ipinagbabawal na palasyo.

Pagkatapos ng limang Segundo, ang balkonahe ay biglang lumiwanag – ang makulay na neon na mga ilaw ay patuloy na lumipad mula sa iba't-ibang direksyon. Mula sa kanila, Nakita ni Qiao Anhao ang isang European style na hapagkainan at lumapit doon. Mayroong hugis pusong disenyo na mga kandila at sa loob ay may isang Chinese Bellflowers na natuyo na.

Ang mga kandila ay kitang nasindihan na at nangalahati nalang ito.

Ang mga poste sa palibot ng balkonahe ay pinalamutian ng magagandang bulaklak na lanta din.

Saan ito?

Si Qiao Anhao ay mausisang tumingin sa paligid. Nang magtatanong na siya kung ano ang lugar na ito, napukaw siya ng mga ilaw sa harap niya.

Related Books

Popular novel hashtag