Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 225 - Suspected Love (13)

Chapter 225 - Suspected Love (13)

Sobrang nakakamangha ang pagsayaw ni Qiao Anhao kaya nakuha nito ang atensyon ng lahat pero hindi naman karamihan ang nakapansin sa naging kakaiba ang kilos ni Lu Jinnian.

Pero hindi ibig sabihin ay wala lang ito. Inoobserbahan siya ng maigi ni Qiao Anxia at pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Halatang halata kay Lu Jinnian na tinitigan niya si Qiao Anhao dahil halatang halata ito sa mapusok niyang tingin.

Muling nanumbalik ang naging suspetsya niya noon.

Pagkatapos magtouch up ng makeup ni Qiao Anhao, aksidente niyang natapon ang tubig sa kamay niya habang sinusubukang uminom. Hinanap niya ang kanyang bag at nang nakita niya ito sa tabi ni Qiao Anxia agad niyang sinabi, ""Sis, pwede mo bang ibigay sa akin yung tissue nasa loob ng bag ko."

Walang reaksyon at nakatulala lang si Qiao Anxia habang binubuksan ang bag ni Qiao Anhao. Nang sandaling mabuksan niya na ito, napahinto siya ng makita niya ang isnag pamilyar na bote ng gamot.

"Sis? Nakita mo na?"

Nagulat at nanumbalik ang atensyon ni Qiao Anxia ng muling magtanong si Qiao Anhao. Iniabot niya ang tissue bago muling silipin ang bote ng gamot na nasa bag ni Qiao Anhao. Isinara niya rin agad ang bag nito ng hindi siya nagpapahalata at nagpanggap na parang wala lang.

Ang bote ng gamot na iyon ay kay Lu Jinnian.

Pamilyar siya sa boteng iyon dahil two years ago noong inihinatid siya ng assistant ni Lu Jinnian nang malasing siya sa isang gathering. At bago siya bumaba ay may ibinigay ito kay Lu Jinnian na bote at pinaalalahanan si Lu Jinnian na ilagay ito sa kanyang sugat. Nagtanong siya noong oras na iyon dahil nacurious siya at sinabi ng

assistant na ang gamot daw na iyon ay nagtatanggal ng peklat at galing pa sa Yun Nan.

Tinanong niya kung saan makakabili ng ganon sa Beijing

Sinabi ng assistant ni Lu Jinnian na nagiisa lang ang ganong bote sa buong Beijing at ito ay pagmamay-ari ni Lu Jinnian.

Pero ngayon mayroon na rin si Qiao Anhao. Hindi pa ito nakakapunta sa Yun Nan at hindi rin ito bibili ng gamot doon kaya ibig sabihin ibinigay ito sakanya ni Lu Jinnian…

Habang mas nagiisip si Qiao Anxia ay mas lalo pa siyang hindi mapakali. Nagumpisa na ang second take pero hindi pa rin niya makalma ang sarili niya kaya naman ay nagpaalam muna siyang pumunta sa banyo.

Habang nakatayo sa harap ng salamin, naghugas siya ng kamay niya at malalim na nagisip. Muli niyang inisip yung mga nangyari noong mga nakaraang araw bago niya maisip na baka si Qiao Anhao nga ang babaeng matagal ng mahal ni Lu Jinnian.

Nagulat si Qiao Anxia sa mga naisip niya. Pumunta siya sa may timba at gulat na gulat na pinagmasdan ang tubig na rumaragasa.

"Miss Qiao?"

Tumingin si Qiao Anxia sa gilid at nakita niya ang assistant ni Lu Jinnian na palabas ng men's toilet. Agad niyang itinago ang gulat na gulat niyang expression at ngumiti habang patuloy na naghugas ng mga kamay. Bigla siyang nagtanong, "Anong oras ka nakabalik galing sa city?"

"City? Saang city? Nandoon lang ako sa kwarto ko natutulog buong araw, ang sagot naman nito.

"Talaga? Mukhang mali ata yung naalala ko," kalmado niyang sinabi bago muling ngumiti rito.

"Mauna ako."

Tumungo si Qiao Anxia at bahagyang ngumiti. Pagkaalis nito, napahawak siya ng mahigpit sa timba.

Nandito ang assistant ni Lu Jinnian buong araw…Ibig sabihin nagsinungaling si Lu Jinnian kaninang umaga noong sinabi niyang nasa assistant niya ang sasakyan.