Nag-iba ang buong paligid at nabalot ng hinala ang buong hapag kainan para kay Qiao Anhao.
Alam ni Qiao Anhao kung ano ang iniisip ng mga tao, totoo na pinagpalit niya ang kanyang katawan para sa isang role. Hindi alam ni Qiao Anhao ang kanyang gagawin dahil sa kawalan ng kumpiyansa sa sarili, kita ang reaksyon ng kanyang mukha, parang isang taong nagulat.
Naging mabigat ang sitwasyon sa banquet hall
Naguguluhan si Qiao Anhao at nahihiya para siyang naghubad sa harap ng napakaraming tao dahil sa kanyang pagkabuko. Nag-iisip si Zhao Meng kung paano maayos ang sitwasyon ni Qiao Anhao.
Naka-yuko si Qiao Anhao sinusubukang pakalmahin ang kanyang sarili at nagtitiim-bagang ngunit hindi niya magawa. Tinignan siya ni Lu Jinnian ng mga 5 segundo bago nito binasag ang katahimikan.
"Miss Lin may kasabihan tayo lagi sa industriya na ang suwerte ay isang uri ng kakayahan. Hindi mo ba alam?"
Natahimik ang lahat sa kanyang sinabi. Kahit simpleng salita ito kung titignan nagbigay ito ng kahulugan na nakuha ni Qiao Anhao ang kanyang role dahil sa kanyang kakayahan sa pagarte at hindi sa kanyang swerte kaya nito nakuha kay Lin Shiyi ang role. Nagpakita ito na hindi kayang gampanan ni Lin Shiyi ang role na binigay sa kanya.
Dahil dito nabuhayan ng loob si Qiao Anhao ngumiti ito at sinabi, "Marami pa akong dapat matutunan. Sana hindi ako maging pabigat sa inyo" Kahit hindi niya alam kung bakit siya tinulungan ni Lu Jinnian.
Hindi maiwasan na pumanig ang lahat kay Qiao Anhao dahil sa pinanghahawakang awtoridad ni Lu Jinnian kasama ng mapagkumbabang mga sinabi ni Qiao Anhao lahat ng tao ay nakumbinsi at nagsimulang purihin siya ng mga ito bago nagsimula ng panibagong usapan.
Sa kagustuhan na mailagay ni Lin Shiyi si Qiao Anhao sa isang alanganing sitwasyon ay hindi niya inaasahan na tutulungan ito ni Lu Jinnian si Qiao Anhao at dahil dito hindi niya inaasahang naipahamak niya ang kanyang sarili sa kanyang ginawang sitwasyon.
Kung hindi dahil kay Qiao Anhao siya na dapat ang kasama ni Lu Jinnian sa pag-arte na kahit sinong babae ay pangarap na umarte kasama nito.
Dumating na sa dulo ng salu-salo. Halos nakaalis na ang lahat ng tao sa banquet hall at konti nalang ang naiwan matapos mang galing sa banyo ni Qiao Anhao.
Malayo ni Zhao Meng naiparada ang sasakyan dahil puno na ang parking lot kaya nang pumunta sa palikuran si Qiao Anhao ay pinuntahan niya na ito.