[Ang bawat libro ay kayamanan]
Pagtungtong ni Little Rice Cake ng tatlong taong gulang, bumili si Qiao Anhao
ng maraming play cards para turuan ito ng mga bagong salita.
Pero mas gusto nito ang mga laruan kaysa sa mga card.
Sa takot niya na baka lumaki itong mangmang, sinubukan niyang baguhin ang
pagtuturo niya, pero kahit anong gawin technique, ayaw talaga nitong pansinin
ang mga card.
Kaya isang araw, kinausap niya ito, "Lu Qiaochen, alam mo ba na ang bawat
libro ay isang kayamanan?"
Dala ng kamusmusan, hindi maintindihan ni Little Rice Cake kung anong
gustong iparating ng ng mama niya, pero alam niya ang ibig sabihin ng
salitang 'kayamanan' kaya interesado siyang nagtanong, "Mommy, saan po
ako makakakuha ng kayamanan?"
"Kapag nagbasa ka ng libro hanggang sa masira siya at magkapunit-punit."
Masayang tumungo si Little Rice Cake, na para bang naiintindihan niya ang
sinabi ni Qiao Anhao.
Pagkatapos patulugin si Little Rice Cake ng tanghali, hindi namalayan ni Qiao
Anhao na nakatulog rin siya, at pagkagising niya, wala na ito sa tabi niya kaya
dali-dali niya itong hinanap sa buong second floor hanggang sa makita niya ito
sa study room.
Nakita niya itong nakasalampak ito sa sahig habang pinupunit ang mga libro ni
Lu Jinnian. "Mommy, nagsisinungaling ka pala eh. Ang dami ko na pong
pinunit na libro pero bakit wala pa rin po akong nakikitang kayamanan?"
-
[Ang pangarap]
Habang nakahiga sa kama, kinuha ni Qiao Anhao ang kanyang phone para
mag'browse ng Taobao. Hindi nagtagal, may nakita siyang advertisement na
may kasamamang kasabihan galing kay Ma Yun, "Lahat ng tao ay kailangang
mangarap dahil malay natin baka matupad naman pala."
Kaya dali-dali siyang bumangon para ipakita ito kay Lu Jinnian na
kasalukuyang nagtatrabaho sa sofa. "Totoo 'tong kasabihan na 'to. 'Lahat ng
tao ay kailangang mangarap dahil malay natin baka matupad naman pala'.
Kasi ganitong-ganito ang nangyari sa akin."
"Anong pangarap mo?" Sagot ni Lu Jinnian habang tutok na tutok sa screen
ng kanyang laptop.
"Ikaw!" Walang pagdadalawang isip na sagot ni Qiao Anhao.
Ngumiti lang si Lu Jinnian habang nagpapatuloy sa pagtatrabaho.
Dahan-dahan, inilapag ni Qiao Anhao ang kanyang phone sa katabi niyang
lamesa para titigan si Lu Jinnian. "Lu Jinnian, alam mo ba? Pangarap ka ng
maraming babae."
"Alam ko," walang emosyong sagot ni Lu Jinnian.
Dahil dito, napanguso nalang si Qiao Anhao. 'Nagyayabang ba si Lu Jinnian?'
Pero bago niya pa tuluyang dibdibin ang naging sagot nito, muli itong
nagpatuloy, "Pero ano naman ngayon? Wala akong pakielam dahil pangarap
lang ni Qiao Anhao ang gusto kong tuparin."
-END-