Pagkalabas nila ng Rotating Restaurant, may nagdala na ng sasakyan ni
Chen Yang sa entrance, at kagaya ng nakasanayan, kinuha niya ang susi,
pero bago niya pa man din niya ito mahawakan ay bigla itong inagaw ni
Qiao Anxia. "Ako na magmamaneho."
Gulat na gulat siyang napatingin pero hndi na siya nagsalita at tumungo
nalang.
Kahit na sa Beijing lang sila nakatira, nakasanayan na nilang magbook sa
mga hotel sa tuwing may espesyal silang okasyon, at walang pinagkaiba
ang araw ito sa mga nakaraan. Nagbook si Chen Yang ng isang kwarto sa
Four Seasons Hotel kaya doon na rin dumiretso si Qiao Anxia.
Siguro dala na rin ng pagod sa pagmamaneho at trabaho, nakatulog
kaagad si Chen Yang sa byahe.
Pagkarating nila sa hotel, ginising siya ni Qiao Anxia, pero nang sandaling
imulat niya ang kanyang mga mata, laking gulat niya na parang nanlalabo
ang kanyang paligid, kaya bigla siyang natigilan, pero dahil nauna ng
bumaba si Qiao Anxia, buong lakas niya nalang itong pinilit sundan sa
loob hotel. Pagkarating nila sa kwartong pinabook niya, hindi pa man din
siya nagshshower ay dumiretso na siya kaagad sa kama.
Samantanlang si Qiao Anxia naman ay dumiretso sa kusina para kumha ng
tubig. Pagkapasok niya sa kwarto, mahimbing ng natutulog si Chen Yang,
na sobrang namumula.
Sinubukan niya itong gisingin, pero hindi kagaya noong una, hindi na ito
sumagot sakanya, kaya bandang huli ay hinayaan niya nalang itong
matulog at dahan-dahang hinimas ang mukha nito. Nang dumampi na ang
kanyang kamay sa mga labi nito, tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga
luha, pero bago pa man din siya tuluyang madala ng kanyang emosyon,
bigla siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Pagkarating niya sa entrance ng hotel, may nakita siyang sasakyan na
may pamilyar na plate number. Naglakad siya papalapit dito, at nang
sandaling 'yun, ibinababa ng taong nasa loob ang bintana at tumambad
sakanya si Lin Wei na nakasuot ng isang simpleng puting damit.
Sobrang bigat man sa loob, pinilit niyang pigilan ang kanyang luha at
yumuko nalang habang ipinapasa ang room card ng kwarto nila ni Chen
Yang. Nang maramdaman niyang kinuha ni Lin Wei ang card, bigla siyang
natigilan, pero pagkalipas lang ng halos tatlong segundo, ibinilin niya rito
na alagaan si Chen Yang ng mabuti at tuluyan na siyang naglakad ng
mabilis palayo.
-
Sa mundong ito, sobrang daming uri ng pagmamahal, pero gaano pa man
ito kakaiba sa isa't-isa, ang lahat ng ito ay pareho pagdating sa
kagustuhan nating maging masaya ang mga taong minamahal natin. Ang
akala ng iba, sapat na ang pagmamahal para makumpleto ang isang tao,
pero ang nakakalungkot na parte ay hindi ganito palagi ang sitwasyon
dahil minsan ang pagmamahal pa na ito ang siyang pumipigil sa mga
taong mahal natin sa pagkamit ng mga pangarap nila.
-
Nagmamadaling pumara ng taxi si Qiao Anxia pabalik ng bahay nila at
pagkauwi niya, dumiretso siya sa sofa at tuluyan ng umiyak.
Mula pagkabata, kilala siya ng lahat bilang matapang na babae, at sa
tuwing may nagugustuhan siyang isang bagay, ginagawa niya ang lahat
para makuha ito. Bukod kay Lu Jinnian, ano pa bang nagustuhan niya
noon ang hindi niya nakuha?
Kahit kailan, hindi niya naisip na darating ang araw na isusuko niya ang
isang bagay na gustong gusto niyang makuha.
Gusto niyang magkaroon ng pamilya si Chen Yang…. Magkaroon ng isang
mapagmahal na asawa at malalambing na mga anak.
Gustuhin niya man siya ang makasama nito hanggang pagtanda, alam niya
na kahit bali-baliktarin niya pa ang mundo, hinding hindi niya maibibigay
rito ang pamilyang pinapangarap nito, kaya masakit man para sakanya,
buong tapang niya itong ibinilin sa babaeng alam niyang mahal na mahal
ito.
Oo… Naniniwala siya na pareho silang masasaktan kapag naghiwalay sila.
Pero ano bang hindi kayang gamutin ng oras, diba? Kapag natanggap na
ni Chen Yang na hindi talaga sila para sa isa't-isa, kahit kailan hindi na ito
masasaktan pa, kagaya ng naramdaman niya noog pinalaya niya na si Lu
Jinnian.
Mahal na mahal niya si Chen Yang.
At hindi niya ito kayang pakawalan at makitang masaya sa piling ng iba.
Pero ayaw niya namang maging madamot sa taong walang ibang ginawa
kundi ang ibigay sakanya ang lahat, kaya gusto niyang bigyan ito ng
normal na buhay.