Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 959 - Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (1)

Chapter 959 - Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (1)

Ang unang ginawa nina Xu Jiamu at Song Xiangsi pagkauwing pagkauwi nila

ng Beijing ay ang maghanda para sa paparating nilang kasal.

Doon lang din nalaman nina Lu Jinnian at Qiao Anhao na ang taong matagal

na palang mahal ni Xu Jiamu ay kaibigan nila, at hindi lang basta bastang

kaibigan, kundi, matalik na kaibigan pa.

Kaya bilang best friend, medyo nainis si Qiao Anhao sa pagtatagong ito ni Xu

Jiamu, at si Lu Jinnian, na wala naman talagang pakielam sa mga ganitong

bagay, ay bigla ring nainis sa kapatid niya dahil sa paninindigan niya na kung

anong tama kay Qiao Anhao, yun din ang tama para sakanya….

Pero sa totoo lang, hindi naman seryosohan ang inis na nararamdaman nila,

dahil sa totoo lang, sobrang saya nila para kina Xu Jiamu at Song Xiangsi.

Pero sakanilang lahat, wala ng hihigit sa saya nina Little Red Bean at Little

Rice Cake.

Para kay Little Rice Cake, si Xu Jiamu na talaga ang pinaka paborito niyang

uncle, dahil nagawa nitong pabalikin sa kindergarten si Little Red Bean.

Ilang araw bago ang kasal, hindi na muna pumasok ang dalawang bata sa

school, at dahil marami pang kailangang asikasuhin ang mga matatanda, wala

silang ibang ginawa kundi maglaro lang ng maglaro buong maghapon, at sa

sobrang saya, nagkasundo sila na ayaw nilang pumasok sa school.

Ikalawang araw matapos ang kasal, aksidenteng narinig ni Little Rice Cake ang

paguusap nina Lu Jinnian at Qiao Anhao. Ayon sa mama at papa niya,

magho'honeymoon raw ang uncle Xu Jiamu at auntie Song Xiangsi niya sa

Paris, Provenance, Aegean Sea, at Rome…. Pero hindi raw pwedeng dalhin ng

mga ito si Little Red Bean kaya isang buwan itong titira sa bahay nila.

Matalinong bata si Little Rice Cake, pero dahil masyado pang mura ang edad

niya, hindi niya pa alam ang ibig sabihin ng honeymoon, kaya ang naiintindihan

niya lang ay isang buwan silang pwedeng maglaro ni Little Red Bean, at sa

sobrang saya, magmamadali siyang tumakbo papunta sa playroom.

Kaya si Little Red Bean, na naiwang kinukumpleto ang isang puzzle, ay

masayang tumingin nang marinig nito ang mga yabag ng paa niya. "Nasaan

ang yogurt ko?"

At doon lang naalala ni Little Rice Cake na kaya pala siya bumaba ay dahil

kukuha siya ng yogurt para kay Little Red Bean, kaya dali-dali, kumaripas siya

ng takbo pababa sa kusina at pagkabalik niya, may dala na siyang dalawang

bote ng yogurt, isa para kay Little Red Bean at isa para sakanya. "Ayaw mong

pumasok bukas, tama?"

"Mmh." Masayang tumungo si Little Red Bean habang umiinom ng yogurt.

Kaya dali-daling inalis ni Little Rice Cake sa bibig niya ang iniinom niyang

yogurt para magpatuloy, "Edi magpakasal na tayo, tapos kapag kasal na tayo,

pwede tayong mag'honeymoon."

"Anong honeymoon?"

"Hindi ko rin alam… pero kapag naghoneymoon tayo, pwede tayong maglaro

ng isang buwan!"

Isang buwan…. Sino ba namang bata ang ayaw maglaro ng isang buwan?

Kaya nang marinig ito ni Little Red Bean, masaya rin siyang pumayag.

Pagkatapos nilang magkasundo, nagpatuloy sila sa pagbuo ng puzzle, at nang

makumpleto na nila ito, para silang matatandang naguusap na pinagtuturo ang

mga lugar na gusto nilang puntahan sa 'honeymoon' nila.

Ang puzzle na binubuo nila ay ang mapa ng China, at dahil lumaki si Little Red

Bean sa America, "Beijing" lang ang alam niya.

"Nasa Beijing na tayo eh," Sagot ni Little Rice Cake.

"Hmm.. Sa Xian nalang."

"Sige."

"Dalian."

"Sige."

Hindi pa masyadong marunong magbasa si Little Red Bean, kaya literal na

pinagtuturo niya lang ang mga lugar na pamilyar sakanya. "Suzhou… Lijiang…

Xinjiang…"

Bilang tatlong taong gulang, hindi pa nanunuod si Little Rice Cake ng mga

balita, pero may mga pagkakataon na nakakarinig siya sa tuwing nanunuod si

Lu Jiannian kaya nang sandaling banggitin ni Little Red Bean ang 'Xinjiang',

dali-dali siyang umiling. "Little Red Bean! Wag tayong pumunta sa Xinjiang,

delikado 'dun!"