Chapter 957 - Konklusyon (8)

Sa sobrang pagmamadali, nakalimutan niyang nakapag'Chinese siya, kaya

inulit niya ito sa English, at doon lang inapakan ng driver ang preno, pero

kahit hindi pa man din tuluyang humihinto ang taxi, hindi na siya

nakapaghintay at bumaba na siya.

At dali-daling tumakbi pabalik kay Song Xiangsi.

-

Sa sobrang pagmamadali, tumakbo si Song Xiangsi ng nakatsinelas lang, pero

sa bilis ng takbo niya, nawala niya na ang isa, kaya sa tuwing humahakbang

siya, ramdam na ramdam niya ang hapdi sa talampakan niya gawa ng

magaspang na semento, pero sa kabila nito, pinilit niya pa ring tumakbo ng

mas mabilis, at noong akala niyang madadapa na siya, may biglang humila

sakanya at niyakap siya ng mahigpit. "Baliw ka ba? Bakit ka tumatakbo ng

naka'paa?"

Nang marinig niya ang boses ni Xu Jiamu, sobrang nanginig ang buong

katawan niya at imbes na sagutin ang tanong nito, tinignan niya ito ng diretso

sa mga mata nito at walang pagdadalawang isip na nagtanong, "Jiamu, mahal

mo ba ako?"

'Jiamu, mahal mo ba ako?' Hindi inaasahan ni Xu Jiamu na ganito ang

magiging tanong ni Song Xiangsi kaya bigla siyang nablangko.

"Jiamu, mahal mo ba ako?"

Sa ikalawang beses na pagtatanong ni Song Xiangsi, doon lang

nahimasmasan si Xu Jiamu at naiinis na sumagot, "Importante pa ba 'yun?

Diba may asawa ka na…."

Pero hindi pa man din tapos si Xu Jiamu sa sinasabi niya ay muling nagsalita

si Song Xiangsi, "Importante."

Tinitigan ni Song Xiangsi si Xu Jiamu ng sobrang seryoso, na para bang

nagmamakaawa ang kanyang mga mata. "Sobrang importante. Mahal mo ba

ako o hindi?"

Sa pagkakataong ito, si Xu Jiamu, na nakakunot ang noo, ay bigla ring naging

emosyunal. "Mahal kita."

At noong sandaling 'yun, pakiramdam nila ay parang biglang huminto ang

mundo.

Walang ibang marinig si Song Xiangsi, bukod sa puso niyang halos kumawala

na sakanyang dibdib sa sobrang bilis pagtibok.

Maging ang kanyang mga daliri ay sobrang nanginginig din at halos hindi na

siya makahinga sa bigat ng emosyon na nararamdaman niya.

Pagkalipas ng tatlong segundo, muling nagpatuloy si Xu Jiamu, "Mahal na

mahal kita… Sa puntong ginawa ko na ang lahat para makalimutan ka, pero

hindi ko talaga magawa."

Noong magkasama pa sila, hindi niya alam na mahal niya pala si Song Xiangsi,

kaya kahit kailan hindi niya ito nasabihan ng mga salitang kagaya ng 'Mahal

kita'.

Noong naghiwalay sila, umasa siya na magkakaayos pa sila, pero nang

malaman niyang may asawa na ito, kahit masakit, hindi na niya na ito inistorbo.

"Noong nawala ka, hirap na hirap akong isuko ka, pero bandang huli, nagawa

ko rin.

"Pero hindi ikaw yung sinuko ko, kundi yung sarili ko.

"Ginawa ko ang lahat para kalimutan ka, pero puso ko yung mismong pumipigil

sakin."

Habang nakikinig sa mga sinasabi ni Xu Jiamu, hindi maawat ang pagpatak ng

luha sa mga mata ni Song Xiangsi, at nang hindi niya na talaga mapigilan ang

sarili niya, bigla siyang tumingkayad at hinalikan ito.

Sobrang tagal niyang pinigilan ang sarili niya…. Oo matagal na silang tapos at

naniniwala siyang isang malaking sugal kung susubukan niya ulit….pero sa

pagkakataong ito…. Handa niyang ipusta ang lahat….

Alam niyang mahal na mahal siya nito sa puntong handa itong maging

matandang binata kung hindi rin naman sila ang magkakatuluyan, kaya ano pa

bang rason niya para magmatigas?

Kaya ngayon…. wala na siyang pakielam.