Chapter 955 - Konklusyon (6)

Magkatapat lang sila, pero nakakalungkot lang na sa kabila nito ay hindi niya

ito pwedeng mayakap, kahit gustong gusto niya pa.

Ilang gabi na rin siyang hindi makatulog, at wala yung pinagkaiba sa nangyari

kagabi. Madaling araw na noong dalawin siya ng antok, at dahil medyo

mababaw pa ang tulog niya, bigla siyang naalimpungatan nang mag'ring ang

kanyang phone. Sa totoo lang, noong una nainis talaga siya, kaya iritable niya

itong sinagot pero sa hindi malamang kadahilanan, naramdaman niya na si

Song Xiangsi ang tumatawag.

Ilang beses siyang nagtanong, pero hindi ni isang beses ay hindi ito sumagot,

kaya naghintay pa siya. Hindi nagtagal, narinig niyang humikbi ito, na kahit

mahina ay siguradong sigurado siyang boses yun ni Song Xiangsi.

'Umiiyak siya… umiiyak siya habang nasa malayong lugar….'

Kaya nang sandaling ibaba nito, kinabahan siya, kaya ilang beses niyang

sinubukan itong tinawagan ulit, pero hindi ito sumagot.

Paulit-ulit sa tenga niya ang hikbi nito at dahil 'dun, hindi na siya nakatulog. Sa

totoo lang, para na siyang mababaliw kagabi na hindi niya alam kung anong

dapat niyang gagawin. Sinubukan kumalma at magisip-isip, pero noong hindi

talaga nabawasan ang kaba niya, hindi na siya nagdalawang isip na magbihis

at lumipad ng America.

Wala siyang ideya kung saan ito nakatira… Ang alam niya lang sa Seattle dahil

yun ang madalas na nababanggit kapag napaguusapan ito sa mga salu-salo,

pero kung tatawag naman niya ito, siguradong hindi rin nito sasabihin, kaya

gamit ang picture nito, nagtanong tanong siya. Buti nalang, may nakasalubong

siyang kakilala nito kaya hindi siya gaanong nahirapan.

Sobrang nasaktan siya noong nakita niyang may sugat ito, buti nalang hindi

malala.

Pero ngayong okay na ito, kailangan niya ng umalis.

Pagkalipas ng ilang sandali, mahinahong nagpatuloy si Xu Jiamu, "May mga

kailangan pa akong gawin, mauna na ako."

"Bye."

Naglakad siya papunta sa pintuan para lumabas, pero pagkadaan niya sa sala,

muli niyang nakita ang bote ng gamot na nakalatag sa sahig, kaya muli siyang

tumingin kay Song Xiangsi. "Wag ko kakalimutang gamutin ang mga sugat mo.

Kung nahihirapan ka, magpatulong ka nalang sa asawa mo."

Hindi alam ni Song Xiangsi kung saan siya eksaktong nasasaktan – kung sa

mga ikinikilos ba ni Xu Jiamu o sa pagkakaalam nitong may asawa na siya…

Mula kanina, nakatingin lang siya rito, at ngayong paalis na ito, parang

gustong sumabog ng puso niya, kaya noong nakita niyang phawak na nito ang

door knob, hindi niya na natiis, "Jiamu."

"…Hm?" Huminto si Xu Jiamu pero hindi siya lumingon kay Song Xiangsi.

"Noong tinawagan kita kagabi, nasa Beijing ka ba 'nun?"

Hindi pa rin humarap si Xu Jiamu, pero sa pagkakataong ito, mas matagal

bago siya nakasagot. "Mm."

"Noong oras na 'yun, gising ka pa ba?"

Hindi na sumagot si Xu Jiamu.

"Nagaalala ka sa akin kaya ka pumunta dito sa America, tama? Anong ginawa

mo dito? Ginamot mo lang ang mga sugat ko, pinaglutuan ako, tapos ngayon

uuwi ka na sa China?"

"Bakit mo 'to ginagawa?"

Bakit nga ba…. Sa tagal nilang nagsama, ito ang unang beses na ginawa ito ni

Song Xiangsi, kaya pareho nilang hindi maipaliwanag ang emosyong biglang

bumalot sa buong bahay.

Halos sampung minuto pa ang lumipas bago dahan-dahang humarap si Xu

Jiamu. Pagkatapos, tinitigan niya si Song Xiangsi ng diretso sa mga mata at

nakangiting sumagot, "Sabi ko naman sayo diba? Tawagan mo lang ako,

sisiguraduhin kong darating ako.

"Walang ibig sabihin 'yun, gusto ko lang talagang maging okay ka."

Kasi ito nalang ang kaya kong gawin para sayo ngayon…

Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi sakin ng papa mo bago siya

mamatay…

Utang ko sayo ang walong taong ginamit mo para buuhin ako. Ngayon na hindi

na kita pwedeng makasama, sapat na sa akin na malaman kong maayos ang

lagay mo."

Nagpatuloy si Xu Jiamu sa pagngiti kay Song Xiangsi, at nang masiguradong

wala na itong sasabihin, muli siyang nagsalita, "Kumain ka na, lalamig na yan.

Mauna na ako."