Chapter 953 - Konklusyon (4)

Aminado naman siyang nasaktan niya si Xu Jiamu at gusto niya talagang

maputol ang lahat ng nagkokonekta sakanila, pero sa totoo lang, kung

ngayon ang paguusapan, gustong gusto niyang magkaayos sila.

Noong umuwi siya sa Beijing, sa totoo lang, ilang beses siyang natukso.

Pero siguro dahil may edad na rin siya, hindi na siya ganun kapusok kagaya

dati.

Kagaya ngayon, gustong gusto niya itong tawagan, pero….

Habang nasa kalagitnaan ng kontemplasyon, nakarinig si Song Xiangsi ng

doot-doot galing sa kanyang phone, kaya bigla siyang nahimasmasan, pero

bago niya pa mapindot ang 'End Call', may isang pamilyar na boses ang

nagsalita. "Hello?"

Hindi siya pakapagsalita dahil hindi siya makapaniwalang natawagan niya

talaga ang number ni Xu Jiamu…

"Sino 'to?"

Sa pagkakataong ito, desidido na talaga si Song Xiangsi na putulin ang

tawag, pero muli siyang natigilan nang muling nagsalita ang tao sa kabilang

linya, "Xiangsi?"

Dahil dito, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at hindi niya alam kung

anong gagawin niya.

"Xiangsi, ikaw yan, diba?" Habang nagsasalita si Xu Jiamu, may mga naririnig

siyang tunog, na para bang bumabangon ito ng kama, kaya dali-dali niyang

tinignan ang oras. Kung alas tres ng hapon ngayon sakanila, ibig sabihin,

alas tres na ng madaling araw sa China.

Kung ganun, nagising niya pala si Xu Jiamu, tama?

Malayo sa dating Xu Jiamu, ramdam niya ang pagiging sobrang pasensyoso

nito ngayon, na kahit hindi siya nagsasalita ay wala siyang naririnig na kahit

pabulong na reklamo nito. Sa tingin niya, mukhang nagsindi ito ng sigarilyo

para magising bago ito muling nagsalita, na may halong lambing, "Bakit ka

tumawag tapos hindi ka naman pala nagsasalita?"

"May nangyari ba?"

"Nakikinig ka ba? Xiangsi?"

Malinaw na hindi siya nagsalita, pero bakit parang siguradong sigurado ito na

siya ang tumatawag? Ibig sabihin… hinihintay talaga siya nito, tama? Dahil

dito, lalong naging emosyunal si Song Xiangsi at sa pagkakataong ito tuluyan

ng bumuhos ang kanyang mga luha, at kahit anong takip niya sakanyang

bibig, napahikbi pa rin siya, kaya sa takot niyang baka makakutob si Xu

Jiamu, dali-dali niyang pinutol ang tawag.

Paulit-ulit na nag'ring ang kanyang phone – lahat galing kay Xu Jiamu, pero

ni isa sa mga ito ay hindi niya sinagot at nakatitig lang siya sakanyang phone

habang paulit-ulit itong nagaalert.

Mahigit isang dosena ang kabuuhan ng dami ng missed call ni Xu Jiamu bago

ito huminto.

Pagkatapos nito, muling nabalot ng katahimikan ang buong sala, at si Song

Xiangsi, ay malungkot na yumuko sa pagitan ng kanyang mga tuhod at

nagpatuloy sa pag'iyak.

-

Alas nuebe na ng gabi noong tumigil siya sa pag'iyak kaya tinawagan niya si

Jiang Licheng na wag nalang munang iuwi si Little Red Bean sa takot niya na

baka makita nito ang namumugto niyang mga mata.

Noong gabing 'yun, nanuod lang siya ng TV hanggang ala una ng madaling

araw, at sa sobrang pagod, hindi niya na namalayan na nakatulog na pala

siya.

Kinaumagahan, nagising siya dahil sa isang katok, kaya antok na antok

siyang bumangon, pero nang maramdaman niya ang hapdi galing sa mga

sugat na natamo niya kahapon, biglang nawala ang lahat ng antok na

nararamdaman niya. Sa totoo lang, ang buong akala niya ay Jiang Lichen

lang tao sa labas dahil inisip niya na baka umiyak na si Little Red Bean

kagabi kakahanap sakanya, kaya dali-dali siyang tumakbo para buksan ang

pintuan, "Little Red Bean…"

Pero bigla siyang natigilan nang hindi si Jiang Licheng o si Little Red Bean

ang sumalubong sakanya, kundi si Xu Jiamu, na mukhang pagod na pagod.

Kaya literal na nanlaki ang kanyang mga mata sa sobrang pagkagulat habang

prinoseso ang nangyayari. Halos dalawang minuto siyang nakakatitig lang

dito bago siya mahimasmasan at pautal-utal na nagtanong, "Pa..paano ka

nakarating dito?"

Hindi sumagot si Xu Jiamu, bagkus, alalang alala itong tinignan siya mula ulo

hanggang paa. "May nangyari ba sayo?"

Related Books

Popular novel hashtag