Sa pangunguna ni Yang Sisi, naglakad sila ni Song Xiangsi umakyat sila sa
napakataas na hagdanan para makarating sa sementeryo. "Hiwalay na kami
ni Xu Jiamu."
Nagulat si Song Xiangsi, pero dahil hindi talaga siya yung tipo ng tao na pala
tanong, nanatili siyang tahimik.
Pero kabaliktaran niya si Yang Sisi, kaya habang patuloy silang umaakyat,
muli itong nagsalita. "Kanina lang."
Hindi pa rin umimik si Song Xiangsi, at sinundan lang ito.
"Nagpatulong ako sakanya kanina na magdesign ng pirma ko, pero imbes na
'Yang Sisi', puro 'Song Xiangsi' ang sinulat niya, at pagtapos 'nun,
nakipagbreak na siya."
Sa totoo lang, sa kabila ng pagiging mukhang kalmado, hindi talaga inasahan
ni Song Xiangsi ang mga narinig niya kay Yang Sisi, kaya nang marinig niya
ang pangalan niya, pakiramdam niya ay parang may biglang bumara sa
kanyang lalamunan.
"Kagabi, nagpakalunod siya sa alak. Sakto, pinuntahan ko siya sa bahay niya
pero dahil lasing na lasing siya, hindi niya maenter ang passcode kaya
tinanong ko siya… sabi niya 0513, at ang nakakatawa, pati ang kanyang
phone, laptop at kahit desktop ay 0513 din ang passcode."
Bagamat nailabas na ni Yang Sisi ang lahat kanina sa taxi, ngayon na kausap
niya na si Song Xiangsi, ay hindi niya pa rin mapigilang maging emosyunal,
kaya mangiyak-ngiyak siyang nagpatuloy, "Kung tama ang pagkakaalam ko,
05.13 ang birthday mo, Miss Song, tama?"
05.13….. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Song Xiangsi.
Habang si Yang Sisi naman ay patuloy lang sa pagsasalita habang umaakyat,
Noong first date namin ni Xu Jiamu, dinala niya ako sa isang sikat na
Mushroom Restaurant, sabi niya dun daw ang paborito niya."
Sa likod ni Yang Sisi, nagpatuloy lang si Song Xiangsi sa pagsunod, pero sa
loob loob niya, sobrang dami niya ng tanong.
Siya ang nagdala kay Xu Jiamu sa restaurant na sinasabi ni Yang Sisi, at sa
totoo lang, noong unang beses silang kumain dun, kitang kita niya ang
pandidiri nito…. Kaya kailan naman nito naging paborito ang mushroom?
Kagabi, habang nakahiga siya sa kama, paulit-uit niyang sinasabi, "Sisi…
saan pa ba ako makakahanp ng kagaya mo?"
"Sisi… Wag kang umalis, dito ka lang…
"Sisi… nangako ka sa akin diba? Wag mo akong iwanan…"
Pagkatapos magsalita, tumingin si Yang Sisi kay Song Xiangsi, na halos
limang metro pa ang layo mula sakanya. "Akala ko talaga ako yung tinatawag
niya, pero bandang huli, narealize ko na hindi pala 'Yang Sisi' kundi "Song
Xiangs' ang tinutukoy niya…."
Hindi na rin naglakad pa si Yang Sisi, at pagkalipas ng halos dalawang
segundo, itinuro niya ang isang puntod. "Nandito na tayo."
Kaya gulong-gulong napatingin si Song Xiangsi.
Pero muli, tinuro lang ni Yang Sisi ang puntod. "Halika, tignan mo para
maintindihan mo."
Sa totoo lang, hindi talaga maintindihan ni Song Xiangsi kung anong gustong
ipakita sakanya ni Yang Sisi, kaya medyo nagalangan pa siya noong una
bago siya maglakad palapit dito.
Bukod sa malalim na ang gabi, wala ring mga poste sa sementeryong
pinuntahan nila, kaya kinuha muna ni Song Xiangsi ang kanyang phone para
buksan ang flashlight nito.
Nang makita niyang walang litrato ang puntod, biglang kumunot ang ang
kanyang noo, at takang-takang tumingin kay Yang Sisi, na hindi namalayang
umiiyak na pala.
Kaya muli niyang tinignan ang puntod, pero sa pagkakataong ito, gamit ang
flashlight ng kanyang phone, mas naging mabusisi siya. Hindi nagtagal, may
nabasa siyang nakaukit sa bandang kanan: Father: Xu Jiamu.
At noong sandaling 'yun, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso...
Literal na tatlong minuto siyang natigilan, bago niya naproseso ang ibig
sabihin ng mga salitang nabasa niya.
Father: Xu Jiamu.
Father: Xu Jiamu.
Father: Xu Jiamu.
Ibig sabihin… ito yung puntod na pinagawa ni Xu Jiamu para sa batang akala
nitong pinalaglag niya, tama?