Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 925 - Pagpapatuloy (6)

Chapter 925 - Pagpapatuloy (6)

Imbes na kunin ang kanyang phone, gulat na gulat na napatingin si Song

Xiangsi kay Xu Jiamu.

Base sa reaksyon ng mukha ni Song Xiangsi, alam ni Xu Jiamu kung anong

iniisip nito, kaya kalmado siyang tumingin kay Mr. Song at nagpaliwanag,

"Sakto po, wala akong gagawin sa mga susunod na araw kaya pwede ko pong

masamahan ni Sisi."

Maging si Mr. Song ay nagulat din sa biglaang desisyon ni Xu Jiamu, kaya

nagaalala siyang tumingin kay Song Xiangsi. "Hindi ba 'yun abala sayo…"

"Hindi po… Sa totoo nga lang po, matagal ko na talagang gustong bumisita sa

lugar kung saan lumaki si Sisi." Huminto si Xu Jiamu ng halos kalahating

segundo at nagpatuloy, "Isa pa, lalo lang po akong magaalala kung hahayaan

ko kayong magbyahe ng dalawa lang kayo."

Pagkatapos, sinenyasan ni Xu Jiamu si Song Xiangsi para sa mga detalyeng

hinihingi niya. Sa totoo lang, sa sobrang gulat, hindi kaagad naproseso ni Song

Xiangsi ang nangyayari, kaya nang makita niyang kumakaway ang kamay ni Xu

Jiamu sa harapan niya, saka lang siya nahimasmasan at nagtype.

-

Si Xu Jiamu na rin ang umasikaso ng paglabas ni Mr. Song, at gamit ang

kanyang card, binayaran niya ang lahat ng naipon nitong mga bill.

Sa sobrang hina ng katawan ni Mr. Song, hindi na nito kayang maglakad, kaya

bandang huli, nagrequest nalang si Xu Jiamu sa isang nurse ng wheelchair, na

siya mismo ang tumulak palabas.

-

Sa loob lang ng ilang oras, sa wakas lumipad na rin ang eroplano. Dahil sa

kundisyon ni Mr. Song, hindi ito masyadong komportable sa posisyon nito,

kaya pumikit nalang ito kahit papano mabawasan ang sakit.

Habang patagal ng patagal, palamig rin ng palamig, kaya humingi si Xu Jiamu

ng dalawang kumot, na ang isa ay ibinigay niya kay Song Xiangsi.

Hindi naman tumanggi si Song Xiangsi at nagpasalamat nalang kay Xu Jiamu.

Pero noong bubuklatin niya na sana ang kumot, bigla siyang natigilan dahil

nakita niya na hindi nito ginamit ang isang kumot na nirequest nito, kundi,

ikinumot nito sa papa niya. Sa totoo lang, hindi niya alam kung parte pa ba 'to

ng pagarte ni Xu Jiamu, pero para sakanya, isa ito sa pinaka magandang araw

ng buhay niya dahil ang dalawang pinaka mahalagang lalaki sa buhay niya ay

parehong nasa harapan niya ngayon. Hindi niya na namalayan kung gaano na

siya katagal na nakatitig, pero nang mapansin niyang pabalik na ito sa pwesto

nito, dali-dali siyang pumikit, sa takot na baka mahuli siya nitong nakatitig.

Pero pagkalipas lang ng halos dalawang segundo, naramdaman niya ang

magaan nitong kamay – na kinuha ang kumot na nakalapag sa kanyang binti,

at dahan-dahan siyang kinukumutan.

Dahil dito, hindi niya napigilang dumilat, pero nang sandaling imulat niya ang

kanyang mga mata, tumambad sakanya ang malapitang mukha ni Xu Jiamu.

Napansin lang ni Xu Jiamu na nakatitig sakanya si Song Xiangsi matapos niya

itong kumutan, at hindi kagaya nito, walang bakas ng kahit anong kaba siyang

nagsalita, "Pinostpone ko muna ang pagfifilm para sa commercial. Itutuloy

nalang nila ulit kapag libre ka na."

Biglang napahawak ng mahigpit si Song Xiangsi sa kumot na nakabalot

sakanya, na para bang ginaw na ginaw. "Salamat."

Hindi na sumagot si Xu Jiamu at kalmado lang itong bumalik sa pwesto nito.

Dali-dali, humarap si Song Xiangsi sa bintana para pagmasdan ang napaka

gandang liwanag ng buwan at mga bituin na bumabalot sa madilim na

kalangitan.

Three years ago, pinilit niyang maging matapang at matigas, pero ngayon na

nasa tabi niya ulit si Xu Jiamu, hindi niya maintindihan, pero parang bumibigay

nanaman ang puso niya…

-

Alas dose na ng madaling araw noong lumapag ang eroplanong sinakyan nila

si Jiangsu. Maliit lang ang lugar na pinanggalingan ni Song Xiangsi, at dahil

malalim na ang gabi, literal na wala ng mga sasakyang dumadaan, kaya para

may mapaglipasan sila ng gabi, kumuha si Xu Jiamu ng dalawang kwarto sa

isang hotel na malapit sa airport.