Pagkatapos masahiin ni Xu Jiamu ang paa ni Song Xiangsi, dahan-dahan
nitong isinuot ang sapatos niya, "Mas okay na 'ba?"
Dahil sa biglaan nitong pagsasalita, biglang nagising sa katotohanan si Song
Xiangsi at dali-dali siyang yumuko para itago ang mangiyak-ngiyak niyang mga
mata. Hindi nagtagal, tumungo siya ng bahagya biglang sagot habang
humihigop ng maraming yogurt.
Muling nabalot ng katahimikan ang buong hallway, at pagkalipas ng halos
kalahating oras, biglang nagring ang phone ni Xu Jiamu.
Nang silipin niya kung sino ang tumatawag, doon niya lang naalala na naiwan
niya si Yang Sisi sa restaurant, pero bago niya ito sagutin, naglakad muna siya
ng bahagya.
Pero kahit anong pilit ni Xu Jiamu na hinaan ang boses nito, rinig pa rin ni
Song Xiangsi ang eksaktong sinabi nito sa kabilang linya.
"Sorry, nakalimutan kong sabihin sayo na may emergency na nangyari…
Nasan ka na ngayon? Ibubook nalang kita ng masasakyan mo pauwi… Sige,
mmh, walang problema. Bawi nalang ako sayo, pahinga ka na."
Pagkaputol ng tawag, muli itong naglakad pabalik, pero noong halos dalawang
metro nalang ang layo nito sakanya, biglang ibinaling ni Song Xiangsi ang
kanyang tingin. "Maraming salamat. Lumalalim na ang gabi, umuwi ka na para
makapagpahinga ka."
"Ayos lang," Mahinahong sagot ni Xu Jiamu, habang sumasandal sa pader na
nasa harapan niya.
Pagkatapos nito, muling nabalot ng katahimikan ang hall way hanggang sa
biglang magbukas ang pintuan ng operating room. Dali-dali, tumayo si Song
Xiangsi sa kinauupuan niya, sabay na sabay sa pagtayo ni Xu Jiamu ng
maayos.
Unang lumabas ang principal doctor. Tinanggal nito ang suot nitong mask at
dismayadong umiling sa harapan ni Song Xiangsi.
At nang makita ito ni Xu Jiamu, dali-dali siyang tumingin kay Song Xiangsi sa
sobrang pagaalala.
"Anong ibig mong sabihin?" Kabadong tanong ni Song Xiangsi.
"Pasensya na Ms. Song." Malungkot na yumuko ang doktor bago ito
magpatuloy, "Dahil sa katandaan ni Mr. Song, humina na ang organs niya.
Kung ooperahan namin siya ulit, sobrang risky na nito, at baka hindi na
kayanin ng katawan niya. Para sakin, mas mabuti kung hahayaan nalang natin
siya sa kundisyon niya ngayon… Sa tulong ng gamot, pwede pang humaba ng
bahagya ang buhay niya, pero kung gaano katagal… Hindi ko masasabi dahil
depende yun sa magiging response ng katawan niya."
Sa sobrang bigat ng balita, parang hihimatayin si Song Xiangsi, kaya nang
makita ito ni Xu Jiamu, dali-dali siyang lumapit para alalayan ito. "Nasaan ang
head niyo? Gusto ko siyang makausap."
"Pasensya na pero kahit hanapin niyo pa ang pinaka magaling na doktor,
malabo na talaga," Malungkot na sagot ng doktor. "Ms. Song, gusto ka raw
makausap ni Mr. Song. Mas mabuti siguro kung pumasok ka muna at kausapin
siya."
Pagkatapos magsalita, yumuko ang doktor bago ito umalis.
-
Magisang pumasok si Song Xiangsi sa kwarto ng papa niya, naabutan niya
itong nakaupo sa kama habang naka swero. Kung titignan, mukhang malakas
pa naman ito at nang makita siya nito, masaya itong ngumiti at tinapik ang
katabi nitong bakanteng espasyo, "Sisi, umupo ka rito."
"Mmh." Pagkaupo niya, hinawakan nito ang isa niyang kamay. "Sisi, alam ni
papa. Konti nalang ang natitira kong oras kaya sinabi ko sa mga doktor na
ayoko ng uminom ng gamot."