Chereads / Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 914 - Pagkatapos (31)

Chapter 914 - Pagkatapos (31)

Hindi tumayo at lumayo si Xu Jiamu nang sagutin niya ang tawag, at parang

walang nangyari, kinausap niya ang taong nasa kabilang linya tungkol sa

trabaho.

Sobrang malumanay ng boses ni Xu Jiamu, at para kay Yang Sisi, ito ang

pinaka magandang boses na narinig niya…

Hindi niya mapigilan ang sarili niyang mapatingin dito… Sobrang gwapo talaga

nito, at kahit halos isang buwan na silang laging magkasama, hanggang

ngayon ay tinatanong niya pa rin ang sarili niya kung nanaginip lang ba siya…

Sa totoo lang, ramdam naman niya na hindi ito interesado sakanya, kasi kung

oo, bakit naman ito tatangging makipagsex sakanya, diba? Pero gusto niya

talaga ito… at handa siyang hintaying magustuhan nito.

At hindi yun mangyayari kung ngayon palang ay magapakita na siyang

'demanding', kaya pagkaputol ni Xu Jiamu ng tawag, nagpanggap si Yang Sisi

na parang walang nangyari, at muli, masaya siyang tumingin dito at

nakangiting nagtanong, "Si Song Xiangsi ba ang ambassadress ng cosmetics

brand na pinaginvestan mo?"

Song Xiangsi… Nang marinig ni Xu Jiamu ang pangalang ito, biglang bumilis

ang tibok ng kanyang puso …. Pero bilang siya si Xu Jiamu, para sa mata ni

Yang Sisi, mukha lang siyang kalmado. Tumungo lang siya at walang bakas ng

kahit anong kabang sumagot, "Oo."

"Alam mo ba, sobrang idol ko talaga siya. Pagkatapos niyang ishoot ang

commercial, pwede mo ba akong isama sa set para makita siya? Noong

nagaaral palang ako, pangarap ko na talagang makapagpapicture sakanya."

Hindi nagsalita si Xu Jiamu, at ito ang unang pagkakataon, siyempre bukod sa

pagayay nito kanina ng sex, na hindi siya kaagad pumayag.

"Pangarap ko talaga yun. Kahit na nawala siya ng tatlong taon, hindi mo lang

alam… Sa lahat ng mga babaeng artista, siya talaga ang favorite ko, kaya

pwede mo ba akong isama para makita ko siya. Please?" Malambing na

pagpupumilit ni Yang Sisi.

Sa pagkakataong ito, napayuko nalang si Xu Jiamu at pagkalipas ng halos

sampung segundo, pabulong siyang sumagot, "Sige."

-

Kagaya ng pangako, dinala talaga ni Xu Jiamu si Yang Sisi sa set, pero

pagkarating nila, binulungan niya lang ang direktor at sinabihan si Yang Sisi na

ito nalang ang sundan bago siya magpaalam na lalabas muna siya.

Kagaya ng inaasahan, nakita niya si Song Xiangsi sa set…. Maraming

nakapaligid na make up artist dito para ayusan ito. Kagaya niya, napansin din

siya nito, pero taliwas sa inaasahan niya, hindi ito umiwas ng tingin, bagkus,

tinignan din siya nito pabalik ng halos limang segundo bago ito muling sa

salamin na nasa harapan nito.

Pagkatapos magpa'make up ni Song Xiangsi, dinala ng direktor si Yang Sisi

palapit sakanya. "Xiangsi, dinala siya ni Mr. Xu dito. Sabi niya, fan ka daw niya

at kung okay lang syao pwede ba raw siyang magpapicture at magpa

autograph?"

Habang nagsasalita ang direktor, nakatitig lang si Song Xiangsi kay Yang

Sisi…. Alam niyang ito ang babaeng laging kasama ni Xu Jiamu…

Dahil mula sa anggulong hindi nakikita ng mga ito, madalas siyang

nakatingin…

Sa totoo lang, hindi maintindihan ni Song Xiangsi kung pinaglalaruan ba talaga

siya ng tadhana… Sa lahat ng taong magpapapicture at magpapa'autograph

sakanya, girlfriend pa talaga ni Xu Jiamu?

Sa tagal niyang hindi sumagot, naisip ng direktor na baka ayaw niya, kaya

aalis nalang sana ito, pero noong hihingi na ito ng pasensya, bigla siyang

ngumiti at ibinigay ang gustong picture at autograph ni Yang Sisi.

Sobrang idol talaga ni Yang Sisi si Song Xiangsi kaya ngayong nabigyan siya

ng pagkakataon, sinulit niya rin itong mapanuod habang nagshushoot.

Nagsigarilyo lang si Xu Jiamu sa labas dahil ang buong akala niya ay

magpapapicture at magpapaautograph lang talaga si Yang Sisi, pero

pagkalipas ng halos isang oras, hindi pa rin ito lumalabas kaya wala na siyang

nagawa kundi bumalik sa loob ng set.

Pagkapasok niya, sumalubong sakanya ang nakangiting Song Xiangsi, ang

nang sandaling yun, parang automatic na huminto ang kanyang mga paa at

napatitig rito.

Kumbaga sa normal na production, perpekto na ang pose ni Song Xiangsi,

pero dahil si Song Xiangsi ito, naniniwala ang direktor na may ihihigit pa, kaya

bago ang re-take, sinenyasan nito ang buong staff na magpahinga muna.

Dumiresto si Song Xiangsi sa kanyang makeup chair para makapagparetouch,

at muli, sinilip niya si Xu Jiamu, na saktong ipinagbubukas si Yang Sisi ng

tubig.

Related Books

Popular novel hashtag