Pero habang binabalik ng babae ang ointment sa loob ng bag nito, biglang
nagsalita si Xu Jiamu, "Anong pangalan mo?"
"Ako?" Nakangiting tumingin ang babae kay Xu Jiamu at nagpatuloy, "Sisi.
Yang Sisi ang pangalan ko."
Sisi… Biglang natigilan si Xu Jiamu at gulat na gulat na sinabi, "Si, galing sa
Xiangsi?"
"Oo, 'Si' galing sa 'Sinian'." Mukhang masayahin ang personalidad ng babae,
dahil habang nagsasalita ito ay lagi lang itong nakangiti, at muli, inilabas nito
ang ointment at ibinigay kay Xu Jiamu. "Mas mabuti kung lagyan mo yan ng
ointment na to… sobrang galing nito… kasi kung hindi mo yan gagamutin
kaagad, mamaga yan bukas at sige ka, baka kahit ballpen di mo mahawakan,"
Halos ilang segundo ring nakatitig si Xu Jiamu sa babae bago niya kunin ang
ointment na inaabot nito at malumanay na sinabi, "Salamat."
At malayo sa orihinal niyang plano, hindi na siya bumalik sa hall at
nakipagkwentuhan nalang kay Yang Sisi. Sobrang masayahin nito, parehong-
pareho sa dating Xu Jiamu, at kahit ngayon lang sila nagkita, sobra dami na
nitong sinabi.
Base sa kwento ni Yang Sisi, hindi siya galing sa mayamang pamilya.
Ipinangak siya sa isang maliit na baryo sa Heibei. Pagkatapos niyang mag'med
school, dumayo siya sa Beijing para maging doktor sa isang ospital. Sa totoo
lang wala siyang kwentong kagaya ng mga nasa fairy tale na biglang yaman at
kahit na doktor na siya, eight thousand lang ang kita niya buwan buwan at
kaya lang siya nakapunta sa party na 'to ay dahil inimbitahan siya ng isang
kaibigan.
Pagkatapos ng party, nagreprisinta si Xu Jiamu na ikuha si Yang Sisi ng taxi,
na maghahatid dito sa nirerentahan nitong bed space sa isang maliit na baryo
sa Beijing.
Pero bago ito umalis, nagpalitan muna sila ng number.
Pagkatapos ng gabing yun, hindi na ulit nagkita sina Xu Jiamu at Yang Sisi,
pero araw-araw silang magkatext.
Sinave ni Xu Jiamu ang number nito sa ilalim ng pangalang "Sisi", at mula
noon, kahit nasa meeting man siya o may kausap na importanteng kliente,
basta magtext ang pangalang "Sisi", magrereply siya kaagad.
Pagkalipas ng isang linggo, nagbirthday si Yang Sisi, at bilang isa sa mga
taong kakilala nito sa Beijing, inimbitahan siya nito.
Noong gabing 'yun, nalasing ito, kaya bilang lalaki, tinanong ni Xu Jiamu kung
saan ito nakatira para sana ihatid nalang ito. Pero dala ng sobrang kalasingan
hindi na ito makapagsalita ng maayos kaya para lang mapanatag siyang hindi
niya ito iniwan kung saan, ibinook niya ito ng kwarto sa isang hotel na malapit
sa bar na pinuntahan nila. Noong tinanong siya ng front desk ng detalye ni
Yang Sisi, kinuha niya ang ID nito mula sa bag nito at binigay sa babae, pero
noong pinasulat sakanya ang pangalan nito sa log book, walang
pagdadalawang isip niyang sinulat mga salitang, "Song Xiangsi."
Nang mahimasmasan siya, dali-dali niya itong binura at pinalitan ng "Yang
Sisi."
Hinatid niya lang ito sandali sa kinuha niyang private room bago siya umuwi sa
Mian Xiu Garden.
Pagkatapos niyang maligo, kagaya ng nakasanayan, dumiretso siya sa kama
niya, pero kahit anong gawin niya ay hindi talaga siya makatulog.
Araw-araw niyang sinasabi sa sarili niya na maguumpisa na siya ulit, pero….
sa lahat ba naman ng babaeng kakilala niya, bakit ang napili niya pang
kausapin ay ang babaeng may pangalang "Sisi"…
Araw-araw niyang tinetext si "Sisi", at kahit alam niyang Yang Sisi ang buo
nitong pangalan, sinong "Sisi" nga ba ang lagi niyang tinetext at tinatawagan?